Tahimik ang buong loob ng sasakyan. Hindi mapigilang mapakunot ang noo ni Kranz habang tinitingnan ang palad niyang ngayon ay nagdurugo na. Hindi niya inakala na may isiningit na bubog ang luko-lokong 'yon sa pagitan ng mga daliri nito. Talagang gusto nitong sirain ang mukha niya. Dapat pala ay binali na rin niya ang kanang kamay nito para hindi na ito makapanakit pa. Saan na napunta ang sinabi niyang 'I am not nice' kanina? Ito ang kapalit ng pagiging nice sa kalaban. Hindi niya ipinahalata sa mga kaibigan na nasugatan siya, dahil kapag nila, malamang na sa ospital na naman ang bagsak niya. Aside from that, he has other plans that's why he hid it from them. He raised the corner of his lips when he thought of Maimin. She will probably be worried when she sees this. He can already ima

