#19 Suspicious, I can't use my powers?

1611 Words
"Gising ka na cherubim." "Wah!" nagulat si Maimin nang biglang sumulpot sa uluhan niya ang mukha ni Zin. Nang makilala niya kung sino ito nakahinga siya nang maluwag. "Ikaw lang pala sundo, tinakot mo 'ko. Nasa dugo niyo ba talaga ang manakot ng ganiyan?" "Wala kaming dugo," seryosong sagot nito. "Oo nga pala," sang-ayon niya. "Pero te—ka! Anong ginagawa ko rito? Nasaan ako? Naalala ko lang nagdilim ang paningin ko matapos kong gamitin ang kapangyarihan ko. Anong nangyari?" Nanlalambot na itinaas niya ang kaliwang kamay at may nakita siyang kung anong nakakabit doon. Anong itinusok ng mga ito sa balat niya? "Naubos ang lakas mo dahil sa paggamit mo ng kapangyarihan kaya ka nawalan ng malay." "Huh? Imposibleng mawalan ako ng lakas! Isang simpleng bagay lang ginawa ko at maliit lang na parte ng kapangyarihan ko ang nagamit doon." "Iba na ang sitwasyon mo ngayon Maimin." "A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan siya nangyayari. "Kumpara sa Celestial Palace na punung-puno ng aura na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga nakatira roon, manipis ang naturang aura rito sa mundo ng mga tao," paliwanag ni Zin. "Kaya naman sa tuwing gumagamit ka ng kapangyarihan hindi agad napapalitan ang aurang ginagamit mo." "Ibig mong sabihin... lagi akong magkakaganito kapag gumamit ako ng kapangyarihan kahit maliit lang?" "Natatandaan mo ba na noong nilabanan ang sundong gustong kumuha kay Juna ay gumamit ka nang malakas na kapangyarihan?" Tumango si Maimin. "Hindi pa napapalitan ang aurang ginamit mo sa laban na 'yon kaya naman nang ginamit mo ulit ang kapangyarihan mo kanina nawalan ka ng lakas." "Kung ganoon, gaano katagal bago ko magamit uli ang aking kapangyarihan?" "Isang buwan mong hindi pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo. Pero maaaring umikli 'yon dahil sa ginawa mo kaninang pagliligtas sa mga bata. Sa tuwing gagawa ka ng mabuti ay madadagdagan ang aura na ginagamit mo at magagamit mo uli ang iyong kapangyarihan." Naalala ni Maimin ang natanggap niyang sulat galing sa Celestial Palace kamakailan lang. 'Habang nasa mundo ka ng mga tao ay inatasan ka ng mga nakatataas na gumawa ng kabutihan sa mga tao maliit man o malaki nang sa gayon ay hindi tuluyang mawala ang iyong kapangyarihan. Oras na makagawa ka ng matinding kasalanan gaya ng pagpatay ay imposible na para sa 'yo ang makabalik sa Celestial Palace.' Ito pala ang ibig nilang sabihin. "Hindi gano'n kahirap gumawa ng kabutihan Maimin pero tandaan mo ring mas dito sa mundong ito, mas madaling gumawa ng kasamaan kaysa kabutihan," seryosong paliwanag ni Zin sa batang cherubim. "Kaya kahit anong mangyari iwasan mo ang sarili mong maakit na gumawa ng masama. Hindi maiiwasang makagawa ka ng hindi maganda lalo na't hindi mo hawak ang magaganap sa hinaharap." Marahas na umiling si Maimin. "Hindi ako gagawa ng masama Zin!" Napabuntong hininga na lang ang sundo. Masyadong maraming tukso sa mundo ng mga mortal. Idagdag pang isang blankong papel ang cherubim na ito na itinapon sa mundong puno ng itim na tinta. Hanggang kailan nito kakayaning hindi marumihan ng mantsa galing sa mundong ito? Isa na itong tao. Mararamdaman na rin nito ang emosyon ng mga tao at dahil ito ang unang pagkakataon na mararamdaman nito 'yon maaaring hindi nito ma-control ang sarili nito. Dahil dito malaki ang papel na gagampanan ni Kranz para tulungan si Maimin. Sana lang ay mapagkakatiwalaan ito. "Pabalik na ang kasama mo. May susunduin pa ako kaya maiwan na kita. Alagaan mong mabuti ang sarili mo Maimin." Tango na lang ang naisagot niya. Naging anino ang buong katawan ni Zin at lumubog ito sa sahig. Sakto namang pag-alis nito ay ang pagbukas ng pintuan at pumasok si Charles. Umaliwalas ang mukha nito nang makitang gising na si Maimin. Nagmamadaling inilapag nito ang dalang pagkain sa lamesa at nakangiting lumapit sa kanya. "Kamusta ang pakiramdam mo miss Maimin?" bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig nito kahit nakangiti ito. "Medyo maayos na 'ko, salamat Charles. Kaya lang hindi ko pa gaanong maigalaw ang buo kong katawan." "H'wag kang mag-alala miss Maimin, pahinga lang ang katapat niyan at bubuti rin ang lagay mo." Nakangiting tumango siya. "Nagugutom ka na ba? Bumili ako ng makakain." Umiling si Maimin bago nagtanong. "Nasaan nga pala si master Juna?" "Iniuwi muna siya ni master Kranz para makapag-pahinga," sagot ni Charles. "Sana hindi natakot si master Juna, nag-aalala ako na baka dahil sa nangyari kanina hindi na uli siya sumama sa mga ganitong lakad." Lihim na lang na napangiti si Charles. Kahit ito ang lubos na naapektuhan sa nangyari si master Juna pa rin ang iniisip nito. That must be why the two brothers likes her very much. Charles knew master Kranz didn't follow just because of master Juna. Matagal na siyang nagta-trabaho sa mga ito at nakikita niyang espesyal ang trato ni master Kranz kay miss Maimin. Too especial that maybe there's more to it and not just a simple friendship. The moment Charles saw what master Kranz bought for miss Maimin he was already suspicious. That was the first time he saw master Kranz being so attentive to someone other than master Juna. Because of master Kranz status, fame and power many people admires him, some wants to use him for their personal gain. Because of this master Kranz slowly lost interest and trust on people. He have a few friends but he seldom see him being so active around them. At lalo pang lumakas ang kutob niya nang malamang sumunod ito sa field trip ni master Juna. Usually master Kranz hangout with his friends on saturday pero ipinagpalit nito 'yon at palihim na sumunod sa dalawa. If it isn't like then what is it? But the way he sees it miss Maimin is a nice and simple person who doesn't know anything about anything about like or love. Charles clenched his hand into fist. Master Kranz, you can do it! Hindi alam ni Maimin kung anong nangyayari kay Charles. Kanina pa papalit-palit ang ekspresyon nito pero hindi naman nagsasalita. Napaisip tuloy siya... Hindi kaya masakit ang tiyan nito? "Charles, masakit ba ang tiyan mo? Ba't hindi ka kaya magpatingin sa doktor tutal narito naman na tayo sa ospital. Siguradong gagaling ka kaagad!" Charles. "...." ✴✴✴ Pagkarating ni Kranz sa bahay dinala muna niya si Juna sa dining area para kumain. Matapos no'n ay pinaliguan niya ito at binuhat patungo sa kama. "Is Maimin really going to be okay?" Ito na ang ika-limang beses na nagtanong ang kapatid niya. "Charles called me and said she's already awake. You don't have so be worried, she'll be home in no time." "Are those bad guys going to hurt us again?" Kranz smiled and patted Juna's head. "They won't be going after you anymore and brother will make sure you won't see them ever again." "Thank you kuya." Gumapang ito papunta sa gitna ng kama, nahiga at nagkumot mag-isa. "Will I see Maimin after I take a nap?" "Maybe." "Won't you ask me about what happen last time?" Marahang naupo si Kranz sa gilid ng kama bago inayos ang pagkakakumot ng kapatid. "Then will Juna tell me what happened?" "There's some places that I don't understand but I will try to tell you all of it." He rolled his eyes, seemingly thinking how to tell his brother. "Some black person want to take me away." "Black people? You mean a black skinned person?" "No, he's wearing all black and carrying a black notebook with him. He said I was strange and I'm not a part of the living anymore so I should go with him to the other world." Nanigas ang katawan ni Kranz sa narinig. Gradually he felt like he is falling in a cold place. "What does it mean Juna?" "He said I should have died in a car accident if it weren't for Maimin rescuing me the black person won't have any problems." Kranz clenched his fist to stop his hands from shaking. He didn't like what he's hearing right now. Naaalala niyang sinabi sa kanya ni Charles na iniligtas ni Maimin si Juna at bilang kapalit ay binigyan niya ito ng trabaho. Kung wala si Maimin... ... Originally, Juna should have died that day. Pakiramdam ni Kranz ay binawian siya ng lakas. A lump is starting to form in his throat followed by a shortness of breath. Tumabi siya sa kapatid at niyakap ito ng mahigpit. He couldn't imagine a world without his little brother. He treasures his family very much, and he will be severely affected once any of them suddenly left. "Tell me...tell kuya, is that black person still going after you?" "Maimin beat the bad guy and Zin also said he won't come back anymore." "Who's Zin?" kunot noong tanong niya. "He's like that black person. He's also wearing the same black clothes and carrying a notebook. He's much colder than the bad guy but I think he's nice." "You can see them," Kranz stated. "Yeah! Zin said because I almost died and... and, what was that again? It's something like a gift... third eye?" Pakiramdam ni Kranz nasa roller coaster siya. Niloloko ba siya ng diyos? May isang hindi kilalang creature sa tabi niya, muntik nang mamatay ang kapatid niya at ngayon naman third eye? Anong klaseng supernatural events 'to? Kapag kinuwento niya ito sa mga kaibigan niya malamang na abisuhan siya ng mga ito na magpatingin sa doktor, iisipin din nilang sabaw na ang utak niya. Hindi naman kasi kapanipaniwala. At mukhang alam niya na kung ano 'yong mga nakaitim na tinutukoy ni Juna. They're probably Grim Rippers. "So do you know what Maimin is?" "I know! I know!" tuwang-tuwang sabi nito at humiwalay sa yakap niya. "She's an angel! Zin called her a cherubim."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD