#14 Open your eyes, see the old world

928 Words
Hospital ward The wind gently blows making the white almost transparent curtain dance. The whole ward is quiet and no other people can be seen aside from the guy who was peacefully sleeping on the bed. The sound of the ticking clock coincides with the heart monitor beside the bed. The beeping sound was hypnotising adding a more serene sound. Subalit malakas ang tunog ng mga ito sa pandinig ng binatang natutulog. Paulit-ulit at tila hinihila siya palayo sa realidad. He's in a coma but his consciousness is awake. He can hear almost everything, even the sound coming outside the room. Sa loob ng diwa niya ay tila siya nakakulong sa isang mundong walang kahit anong kulay. Walang katapusang kadiliman na kahit anong gawin niyang hanap ng hangganan ay wala siyang matagpuan. Gusto niya nang kumawala rito subalit parang may kung anong puwersa ang pumipigil sa kanya para makaalis rito. Hanggang sa nakarinig siya ng isang magandang tinig. Babae. Simula nang marinig niya ang boses nito ay nagkaroon siya ng lakas para makaalis sa lugar na ito. Kaunti na lang at matatanggal niya na ang tila kadenang gumagapos sa kanya rito. Isang minuto... Naigalaw niya ang isang daliri. Dalawang minuto.... Nagawa niyang iikot ang kanyang mga mata. Tatlong minuto..... Lumalakas na ang t***k ng puso niya. At sa pagsapit ng ikaapat na minuto, suminghap siya nang malakas at kasunod nito ay ang dahan-dahang pagmulat ng kanyang mga mata. Natambad ang magandang kulay na asul na mga mata na maihahalintulad sa kulay ng asul na langit at karagatan. Isang matinding liwanag ang bumati sa kanya. Muli siyang napapikit at nagmulat uli. Natatakot siya na kapag pumikit siya uli ay muli siyang babalik sa mundong 'yon. Bahagya pang malabo ang paningin niya pero sinubukan niyang aninagin ang side ng kwarto. May nakita siyang isang maliit na basket ng prutas na nakapatong sa medium size na lamesa, katabi nito ang isang base na may iba't-ibang bulaklak. Alam niyang may dumadalaw dito pero hindi niya alam kung sino. Hindi rin malinaw ang memorya niya at ang tanging natatandaan niya lang sa ngayon ay ang pangalan niya. Danis York. Iyon ang kaniyang pangalan. Bukod doon wala na siyang gaanong maalala. Kung anong nangyari, bakit siya nasa hospital at kung may pamilya ba siya. May mga memoryang umiikot sa isipan niya pero hindi siya sigurado kung tama ba ang naaalala niya. Gaya nang: Dapat ay wala siya sa lugar na ito at may importante siyang dapat puntahan. Isang mahalagang tao sa buhay niya ang naaksidente at kailangan niya itong puntahan. Ang hindi lang malinaw ay kung sino ito at kung nasaan ito ngayon. Buhay pa ba ito o patay na. Sinubukan ni Danis igalaw ang kaniyang katawan, subalit kahit anong pilit niya, tanging ang ilang daliri lang sa kamay ang naigagalaw niya. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mga yabag galing sa labas ng silid kasunod no'n ay ang marahas na pagbukas ng pintuan at pagpasok ng dalawang doktor at tatlong nurse. Mabilis ang kilos ng mga ito, isang nurse ang nagtanggal ng oxygen mask sa mukha niya, isa naman ang sumuri sa monitor at sinasabi nito ang mga indicators sa katabi nitong doktor. Isa doktor naman ang naglabas ng maliit na flashlight, itinutok 'yon sa mata niya. Nasilaw siya pero pinigilan niya paring pumikit ng matagal. Natatakot siyang baka makatulog na naman siya. "W-What..." Danis is shocked by how hoarse his voice was. Masakit at tuyo rin ang lalamunan niya. "All indicators are normal," the thin and tall doctor said with a smile. "We will run a few more test to make sure that there's no problem. For now get some more rest and after that, we'll be ready to answer all of your questions." Danis frown. Gusto man niyang tanungin ito kung nasaan siya at anong nangyari sa kanya wala siyang choice kung hindi ipagpaliban muna 'yon. Masakit ang lalamunan niya at hindi siya makapagsalita nang maayos. But rest? I already have enough of that. However, maybe because of his sudden use of too much energy pakiramdam niya wala na siyang lakas para manatiling gising. He looked at the doctor, and he couldn't hide his worried expression. At mukhang naintindihan naman nito ang inaalala niya. "Don't worry, you'll wake up normally. According to past test that we ran last month, we expected that you'll wake up about this time. Although it is ahead of time, we are both relieved and thankful that you already woke up." Last month... For how long was he in a coma? Matapos magsalita ng doktor ay muli nitong sinuri ang ilang parte ng katawan niya. "A slight muscle atrophy. After you reach your normal body state puwede mo nang simulan ang rehabilitation. It will take more or less five months for you to return to your one hundred percent." Tumango siya. Nang makitang ayos na ang lahat ay umalis na ang ilan sa mga ito at ang natira na lang ay dalawang nurse na umasikaso sa kanya. Napansin ni Danis na panay ang sulyap sa kanya ng dalawa, ngingiti ng bahagya at tila nahihiyang mag-iiwas ng mata. Matapos ayusin ang ilang gamit sa loob ng ward ay umalis na rin ang dalawa para makapag pahinga na siya. He sighed. Five months of recuperating is not a short time but it is enough for him to know what he wants to know. He just needs to organise his memories little by little and when he remember it all agad siyang aalis para hanapin ang taong mahalaga sa kanya. Sa ngayon ang kailangan niya munang gawin ay... ...magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD