Celestial world Sa lugar na ito kung saan mahaba ang araw at gabi naninirahan ang mga celestials. Isang mundo kung saan makikita ang iba't-ibang mga nakakamanghang bagay na sa kadalasan ay sa imahinasyon lumalabas at libro ng pantasya nababasa. Limang mahahabang dragon ang nagpapahinga sa tabi ng isang kumikinang na lawa na may tatlong kulay na asul, ginto at lila. Dahil dito nakatira ang mga dragon na ito, pareho ng kulay ng tubig ang kaliskis ng mga ito, at sa tuwing nasisinagan ng liwanag ay kumikinang ang kaliskis ng mga ito. May dumaang grupo ng ibon na may apat na pakpak sa ulunan ng mga ito, sinundan ng tingin ng mga dragon ang mga ibon. Lumipad ito paitaas at sa taas na 'yon ay matatanaw ang luntiang kagubatan na punong-puno ng naglalakihang puno. Nilampasan ng grupo ang gubat

