Maayos na pinapila ng mga guro ang mga bata. Binigyan nila ang mga ito ng kanya-kanyang tag ayon sa section at grade ng mga ito para maiwasan ng mga bata ang malito kung saan nito hahanapin ang mga kasama kung sakali mang mawala sila sa o kaya ay mapahiwalay sa grupo.
Sinuotan din sila ng green wristband sa pulsuhan na may nakasulat na 'PASS'. Itinaas ni Maimin ang pulsuhan niya at natutuwang tiningnan ang suot niyang wristband.
Excited na siyang pumasok sa loob. Ayon kasi sa narinig niya, marami kang makikitang iba't-ibang uri ng isda sa loob. Ang masaya pa ay buhay ang mga ito!
Dalawang mata ang sumusunod sa mga galaw ni Maimin. Kranz smiled and shook his head at how naive and childish she was. There are plenty of beautiful wristband sold out there and he can buy one if she wants. That waterpark wristband is too ugly.
He looked around and notice how some people glance at him, mostly girls. He 'tsk' and decided to buy a hat and a mask. Makakatulong din iyon para hindi siya makilala ni Maimin at hindi malaman ng dalawa na sumunod siya.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay Isa-isa nang pinapasok ang mga bata. Kumilos na rin si Kranz, suot ang bagong biling hat and mask ay tahimik siyang sumunod sa likod ng pila and while at that he took out his phone, turned on the camera and pointed it at Maimin and Juna. He's going to send these pictures to his parents.
Unang pumasok ang grupo ng mga estudyante sa isang museum kung saan ipinapakita ang magkakaibang uri ng tinik ng mga isda.
Napanganga si Maimin nang makita niya ang kalansay ng isang balyena. Ito ang unang beses na nakakita siya ng kalansay. Hindi niya inakala na ganito pala ang buto ng mga balyena na tinatanaw lang niya mula sa Celestial Palace.
Sunod nilang pinuntahan ang underwater aquarium. Buhay at halo-halo ang mga isdang lumalangoy dito. Tila ka naglalakad sa ilalim ng dagat. Abala si Maimin sa pagtingin sa mga isda kaya naman hindi niya napansin na sumusunod ang mga ito sa bawat galaw niya. Sa tuwing lalapit siya sa glass wall ng aquarium ay lumalapit doon ang mga isda. Sa bawat lakad niya ay lumalangoy naman ang mga ito at sinusundan siya.
Iilang tao ang nakapansin nito at isa na roon si Kranz. He frowned when he saw some men looking at Maimin. He casually walked and stood beside her. Her full attention are on the scenery in front of her that's why she didn't notice it when he walk closer.
He cast a glance at her and after that simple move he couldn't take his eyes off of her anymore. She's smiling like an innocent child who saw something so beautiful for the first time. Her long eyelashes flutter as she blinks her beautiful eyes that shining due to the gleam of light coming from the the sunlight as it pierced the water casting a very mysterious aura around her.
His heart suddenly skip a beat. He knew that she's beautiful but he didn't know that she could be this beautiful. It was like an angel who came down from heaven to experience the life of mortals.
Kranz touched his chest as the beating of his heart becomes faster. What is this feeling? It feels new and fluttering. It makes him want to touch her hands. Pinigilan niya ang sarili niya. Palihim siyang sumunod sa mga ito kaya hindi siya pwedeng magpakita.
After a while the group moved on to next spot. Kranz still followed secretly. Pumasok sila sa isang live show ng mga seal. But Kranz saw from Maimin that she didn't enjoy it very much.
She doesn't like it, Kranz noted.
Isang souvenir hall ang susunod nilang pupuntahan at nakita niyang maraming tao roon. Napansin din niya ang lalaking kanina pa tingin ng tingin kay Maimin. At nang akmang lalapit na ito rito ay binilisan niya ang lakad at saka binangga ang lalaki sa balikat. Napaikot ito nang bahagya, nilingon siya nito at pinanlisikan ng tingin pero nang makita nito ang walang emosyon at malaming na tingin niya ay napaatras ito bago tuluyang umalis.
Ilang beses pang nangyari ito. Sa tuwing may lalapit kay Maimin ay tila nagte-teleport si Kranz sa tabi nito at binibigyan ng pamatay na tingin ang mga nagtatangka.
"Miss, miss!" tawag kay Maimin ng isang nagtitinda ng mga stuffed animals.
Napahinto naman si Maimin at nagtatakang itinuro ang sarili. "Ako po ba ang tinatawag niyo?"
May katabaan ang nagtitinda at kulay kayumangi ang kulay ng balat nito. Sa ngiti nito nakikita ni Maimin na hindi ito isang masamang tao. Kaya bahagya siyang kumalma.
"Oo ikaw nga!" Nakangiti at excited na turan nito.
Lumapit si Maimin sa tindero. Kahit na mukhang mabait ito ay hindi niya pa rin ibinababa ang depensa niya. Pumalakpak ito at sumenyas ng sandali lang bago umalis at nang bumalik ito ay may dala na itong isang malaking stuffed toy ng mermaid na may pakpak. Iniabot nito 'yon sa kanya.
Napaatras si Maimin at bahagyang itinulak ang iniaabot nitong stuffed toy. "H-Hindi po ako bibili."
Malakas na tumawa ang tindero na itinulak pabalik ang stuffed mermaid. "Para sa 'yo iyan. Minsan lang ako makakita ng isang dalagitang kasing ganda mo kaya naman regalo ko na sa 'yo."
"Pero..." Nag-aalangang tiningnan ni Maimin ang tindero.
"Hija, malulungkot ako kapag hindi mo tinanggap ang regalo ko," pilit nito na sinabayan pa ng paglungkot ng mukha.
Wala nang nagawa si Maimin. Nahihiya subalit may ngiting tinanggap niya ang regalo nito. Nagpasalamat siya at saka patakbong sumunod sa grupo nila Juna.
Nang makaalis si Maimin, lumabas si Kranz mula sa gilid ng tindahan at lumapit sa nagtitinda.
"Thank you mister." Sabay abot dito ng five thousand pesos. "She didn't suspect anything did she?"
"Wala ser! Akala ko nga hindi niya tatanggapin e," nakangiting sagot nito tapos kuha sa pera.
Lumapit ang lalaking ito sa tindahan niya kanina at namili ng stuffed toy. Nang makapili ito ay humingi ito ng request. Babayaran siya nito ng mas malaki kung ibibigay niya sa magandang babaeng dadaan ang stuffed toy na napili nito. Agad naman siyang pumayag at 'yon na nga ang nangyari kanina.
"Girlfriend mo ser?" usisa ng tindero.
Tumingin si Kranz sa baba, tumikhim bago tumingin sa direksyon kung saan tumakbo si Maimin. "Hindi pa."
"Good luck ser!"
Naiiling na natawa na lang si Kranz bago sumunod sa grupo. Luck? He doesn't need that, using your own strength to get what you want is much better than relying on luck.
He's not shy when it comes to love and he can pursue the girl he likes with confidence. The problem is, the girl he likes is a blank sheet of paper. Wala itong alam sa emosyon ng mga tao. Kapag nagmadali siya malamang na matakot ito at tumakbo palayo. Although hindi niya alam kung hanggang kailan mananatili si Maimin sa mundong ito gagawin niya ang lahat para mapa-oo ito.
Hindi siya magmamadali pero hindi ibig sabihin no'n na magsasayang siya ng oras. He will let her fall in love with him. Fall hard until to the point that she won't think of leaving him. Stay with him and choose not to go back to her own world.
Naging maayos ang buong trip ng mga bata kaya naman nagpapasalamat si Maimin. Kahit na medyo nagpapahuli siya sa grupo ay sinisiguro naman niyang nasa maayos ang lagay hindi lang ni master Juna pati na rin ng mga batang kasama sa field trip na ito. Kaya naman laking pasasalamat niya nang walang hindi magandang nangyari.
Ngunit masyado pa yatang maaga para magpasalamat siya dahil nangyari ang hindi niya inaasahan nang papauwi na sila.
Tahimik na nagmamaneho si Kranz habang nakikinig ng music at nakasunod sa bus na sinasakyan ng kapatid at ni Maimin. Bigla siyang naalerto nang dalawang magkasunod na puting van ang um-overtake sa kanan niya at isa pa sa kaliwa.
Sumama ang kutob niya nang makitang walang plaka ang tatlong van.
Agad niyang pinindot ang suot na bluetooth earphone na suot, agad na kumonekta 'yon sa leader ng bodyguards ni Juna na si Brian.
"Someone is trying to intercept the bus. Stop them and make sure no one will get hurt." He stepped on the accelerator, trying to overtake the van in front of his car.
Nahalata naman nito 'yon at agad na umiwas. Nakapag overtake ang kotse ni Kranz. Tinangka namang lumusot ng van pero hindi niya 'yon pinayagan at hinarangan niya ang lahat ng kilos nito.
Tawanan, kwentuhan at ingay ng mga bata ang maririnig sa loob ng bus. Kahit pagod sa paglalakad ay halatang kuntento naman ang mga bata sa field trip na ito.
Nahawa rin sa tawanan ng mga bata ang driver at nakangiti rin ito habang nagmamaneho. Pero ilang sandali pa ay napalitan ng kunot ang ngiti nito at sumunod na ang pag-aalala.
Dalawang puting van kasi ang kanina gumigitgit sa kanila. Noong una ay hindi pa ito pinpansin ng driver pero habang tumatagal ay iba na ang kilos at direksiyon ng mga ito. Isa sa unahan ang kanina pa paiba-iba ng takbo. Bumabagal at bumibilis ang andar ng van samantalang pilit na ginigitgit sila papunta sa gilid at halos dumikit na sila sa barrier ng kalsada.
The driver is an expert experienced driver but he still felt fear lalo na't mga bata ang sakay niya at higit sa lahat anak ng mayayaman ang mga ito. Hindi niya kakayanin kapag nagkaroon ng aksidente o kahit isa man lang sa mga ito ang masaktan.
Isang itim na kotse ang sumulpot mula sa kung saan. Dumikit ito sa puting van para sana pigilan ito but the people inside the van is aware of their plan kaya bigla itong humarurot ng takbo. Humabol ang itim na kotse subalit hindi nito inaasahan na biglang iikot ito at magka-counterflow sabay dirediretso ang takbo, desididong banggain ang itim na sasakyan.
Nanginig ang buong katawan ni Brian. Kapag umiwas siya siguradong babangga ang van sa bus. Kung hindi naman siya iiwas ay tiyak na mapapahamak sila ng mga kasamahan niya.
"Stop it!" utos niya sa mga kasamahan.
Mabilis na tumalima si Mark. Ikinasa ang baril, binuksan ang bintana at inilabas ang kalahati ng katawan roon kasunod nito ay pinuntirya niya ang gulong ng van.
"Bang!"
BOOM!
Nabutas ang gulong ng van at nag swerved ito pakanan. Hindi na nakontrol ng nagmamaneho ang bilis kaya nagdire-diretso ito papunta sa gilid ng kalsada, doon na ito tumaob.
Nakita naman ng mga kasamahan ng tumaob na van ang nangyari sa mga kasamahan. Lalong tumulin ang takbo nito at ang pinuntirya nila ang itim na sasakyan sa harap. Binangga ng van ang likod ng sasakyan. Bahagya itong nawalan ng kontrol mabuti na lang at mabilis ang kilos ni Brian.
Asintado si Brian pero sa ngayon nasa kanya ang manibela at wala na silang pagkakataon para magpalit ng puwesto. Muling binangga ng van ang likod nila. Sa lakas ng impact no'n ay tumama ang ulo ng mga nakaupo sa likod sa front seat. Nahilo ang dalawa na mas hinigpitan pa ang kapit sa handle.
"Boss! Susubukan kong barilin uli ang gulong nila." Agad kumilos si Mark pero hindi pa man siya nakakalabas ng bintana ay nakarinig na sila ng sunud-sunod na putok.
Hindi pwedeng lumabas armado ang mga kalaban!
Narinig ng lahat ang malakas na putok. Nagsimula na ring mag panic ang mga nakasakay sa bus. Namutla ang dalawang teacher at umiiyak na rin ang mga bata dahil sa takot.
Naramdaman ni Maimin ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Juna, alam niyang natatakot ito kaya naman tinapik niya ang likod ng bata para pakalmahin ito.
Masama na ang ekspresyon ng mukha ni Maimin. Alam niyang pakay ng mga taong ito si master Juna. Hindi niya lang lubos maisip na mandadamay pa ang mga ito ng ibang tao.
Kinalma niya ang sarili. Ang prayoridad niya ngayon ay siguruhing ligtas ang lahat ng mga nakasakay sa bus.
Tuloy pa rin ang laban ng dalawa sa harapan. Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Brian. Tutal nasa kanila ang atensiyon ng mga ito nagpasya siyang ilayo ang van at magpahabol. Binilisan niya ang takbo malas lang at hindi kinagat ng mga ito ang plano niya.
Biglang huminto ang van, nakita ito ng driver ng bus at tatapak na sana ito sa preno nang mula sa likod ay may bumangga sa kanila.
Napamura na lang ng malakas si Kranz nang banggain siya nang malakas ng van sa likod niya. Hindi siya nakapag preno agad kaya tumama siya sa likod ng bus.
Nakabig ng driver pakaliwa ang manibela at nagdire-diretso sila papunta sa traffic barrier ng kalsada. Kapag tumama sila rito mapupunta ang bus sa kabilang kalsada at lalong mas malaki ang magiging aksidente. Masaklap, lahat sila mamamatay.
Kaunti na lang at tatama na sila sa traffic barrier. Alam ng driver na ito na ang katapusan niya subalit hindi pa rin siya sumuko hanggang huli, tinapakan pa rin niya ang preno.
Ang hindi niya alam.... kasabay ng paglapat niya ng paa sa preno ay umangat ang sasakyan at lumipad ito papunta sa unahan. Tila nag slow motion ang lahat at kitang-kita ng mga saksi kung paano lumipad ang bus at lumapag sa unahan ng dalawang nagbabanggaaang sasakyan. Nag preno ang driver at huminto sila malapit sa traffic barrier.
Agad na huminto rin sa tabi nila ang itim na sasakyan at mula roon ay lumabas ang apat na bodyguard ni Juna, naglabas ng armas at pumalibot sa bus para protektahan ito.
Nakita naman ng mga kalaban na hindi na pabor sa kanila ang nangyayari kaya mabilis na tumakas ang mga ito.
Kranz parked the car near the traffic barrier, slowly got out of the car and looked at the bus with a bewildered expression. Because he was behind the bus he got the whole view of what had happened.
That was... ...Unbelievable!