19

742 Words

Ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin akong tawag na nakukuha mula sa ibaba kung tapos na ba mag-usap si Zach at 'yung Leventon. Gaano ba ka-importante ang project na 'yun at inaabot sila ng ilang oras sa pag-discuss ng project sa isa't isa? "Gusto kong bumaba. Sisilip lang naman ako. Babalik din ako agad dito sa silid namin ni Zach." bigkas ko sa hangin. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili. Napagdesisyunan kong bumaba. Hindi ko nakita si Zach sa baba, tanging si Leventon lamang na nakaupo sa sofa. Dumapo ang tingin niya sa akin. Isang ngiti ang kumawala sa kaniyang labi nung makita niya ako. "Ba't ngayon ka lang bumaba?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Hinanap ng mata ko si Zach sa paligid. Nasaan ang asawa ko? Si Selena? "Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD