Katulad ng plano nila ay maaga silang gumayak patungo sa ilog na nasa dulo ng manggahan. Hindi na nga nakapagpigil pa ang mga bata sa pagligo mula sa pampang ng ilog ay dinig nila ang halakhakan ng mga ito lalong lao na ang mga anak ng Kuya Van niya , na miss raw umano ng mga ito ang ilog na iyon.Dito na lumaki ang mga anak ng Kuya niya bago pa man nanirahan ang mga ito sa US. Sila ni Ela ay nagbabalat ng mangga at ang mga lalake niyang kapatid ay nag-iihaw ng isda. Sina Papa G at Mama A kasama si Jamilla na asawa ni Anton Chase Mondragon ay nakabantay sa mga bata. " Kuya saan pala 'yung sinasabi mong rest house ?"tanong niya kay Van Lexus nang maalala ang sinabi nito na may rest house raw umano ito sa may ilog. "Ah oo nga pala. Nasa dulo pa talaga, medyo malayo pa next time punta n

