"Sir Terrence, mag-almusal na po kayo." sambit ni Beauty sa kan'ya nang bumaba siya sa restaurant ng hotel. Bacon, longganisa at fried rice ang dala nito. "Sige salamat!" pasasalamat niya rito. Habang nilalapag pa lamang nito ang mga pinagkakainan niya ay panay na ang ring ng cellphone nito sa bulsa. "Sagutin mo na ang tumatawag sa'yo Beauty baka importante!" sambit niya sa babae.Bigla naman itong yumuko saglit at pinasalamatan siya. "Sorry po talaga sir." anito sa kan'ya habang humihinge ng dispensa Bawal ang cp sa mga tauhan nila kaya nakita niya ang pag-aalaga sa mukha ni Beauty. Mabait naman siya kaya pinagbigyan na muna niya ito. Nataranta itong lumabas sa restaurant. Siguro nga ay importanteng tawag talaga napansin kasi niyang balisa ang mukha ng babae kanina pa. Ano kaya an

