Hindi niya inakala na totoo pala ang milagro. She was diagnosed with blood cancer before, she thought it was her end but because of prayers and the new innovations in medicine, she miraculously survived.
And so with the tiny angels inside her womb.
Before she knew that she had cancer, she had an unexpected s****l encounter with a man, an unknown man. Akala niya noon eh nananaginip lamang siya but she prove herself wrong when she saw a pay cheque on her bed after she woke up.
Hindi niya maintindihan kung paano nangyari ang bagay na iyon. Wala na siyang plano na hahanapin pa ang lalaking iyon upang ipaako ang dinadala niya. She is a Mondragon. Kaya niyang buhayin ang anak niya ng mag-isa.
Terrence Geller. She read the full name on the checque.
"Who ever you are and wherever you are now, I am happy because that one night mistake made my life complete."
She is still lying on a hospital bed. Lubos pa siyang nagpapagaling dahil mahinang mahina pa ang katawan niya. Her body is in the process of recovery.She is a fighter. Ngayon pa ba siya paghihinaan ng loob? May munting anghel na siyang dinadala na makikita niya five months from now.
She smiled sweetly when she saw Kier walking towards her.May dala itong mga bulaklak na gustong - gusto niya.
"You're here!" sambit niya rito.
Kier Harrison is her long time boyfriend. Alam nito na buntis siya, alam rin nito kung sino ang nakabuntis sa kanya dahil sa ipinakita niyang cheque.
She loves Kier but he loves another woman now. Noong bumalik siya dati sa Pilipinas ay naramdaman na niya na nagbago na ito. The way she holds and kiss her is far from the man she once knew.
The way he made love with her is far different from before. Kaya alam niyang may iba na ito.
Hindi naman niya masisi si Kier. It's her fault. Masyado niyang mahal ang career niya. She is a fashion designer in Paris and may itinayo siyang bagong Korean Trends boutique sa Pilipinas. She is a busy person that she forgot the one she loves, her boyfriend.
Pero bago pa man nito itinapat sa kanya ang lahat ay inihanda na niya ang kanyang sarili. It really hurts.
"Kumusta ka na?" lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo.
" Same but still fightin'." nakangiti niyang saad.
Hinawakan nito ang nakaumbok niyang tiyan. "Baby, be strong because mommy is fighting para sa inyo!"
Tumulo ang luha niya nang marinig ang sinabi ni Kier. Kung pwede lang sana eh palayasin na niya ito agad ay gagawin niya. Ayaw niyang umasa dahil sa huli ay siya pa rin naman ang talo.
Alam niyang babalik rin ito kaagad sa Pilipinas. Napaka - maginoo lamang ni Kier upang alagaan pa siya kahit hindi na sila. Pero sa parte niya, wala nang mas masakit pa.
She is broken inside and out.
Kailangan niyang manatili sa hospital hanggang sa ilalabas niya ang baby niya. Hindi pa niya alam ang gender dahil sa susunod na buwan pa naman sinabi ng doktor na pwedeng nang mag-ultrasound.
"Kumusta Kier?"
"Don't worry about me Xia. I'm doin' good." sambit nito.
"Kung mahal mo, ayusin mo. Huwag mo'ng hahayaan na ibang tao ang pupuno ng pagkukulang mo. I'll be fine Kier, with or without you. Sundin mo ang puso mo. Huwag kang mag-alala naka-move on na ako sa'yo!" pabiro pa niyang sambit sa dating nobyo. Shes trying to smile kahit napakahirap dahil sa kaibuturan ng puso niya ay durog na durog siya. Move on? Hindi pa masyado dahil habang nakikita niya si Kier ay mas nasasaktan siya at mas bumabalik ang sakit at hapdi sa puso niya. How can she stop loving him?
"Thanks, Xia! Napakabait mo.Alam ko balang araw matatagpuan mo rin 'yung lalake na para sa' yo!I'm sorry!" dagdag pa ni Kier
"Huwag kang mag-sorry. I am happy, really! Kung masaya ka, masaya na rin ako para sa'yo!" sambit niya.
She tries to assure that she is fine although she is really breaking inside.
Hindi na niya kailangan na maging hadlang sa dalawang taong nag-iibigan. Hindi na importante kung sino ang nauna o huli. Ang importante ay palalayain na niya ang taong minsan ay naging mundo niya.
Ang lahat ng ayaw niya ay nagmumukhang kaawa-awa sa mata ng mga tao.
------
Pagkalipas ang limang buwan ay ipinanganak niya ang dalawang malulusog na kambal.
Kambal na babae. Hindi ordinaryo ang kagandahan ng kambal. They look so identical but Paige has green eyes. Si Ava ay nakuha ang kulay ng mata niya, brown.
Ava and Paige.
"Congrats, sis!" bati sa kanya ng kanyang kuya Van Lexus. Ito ang pinaka-panganay sa kanilang tatlo. She is the second child while Anton Chase Mondragon is the youngest.
"Salamat, Kuya." sambit niya rito.
Si Van Lexus ay ang CEO ng kanilang company na nakabase sa USA. Wala pa itong asawa sa edad na treinta'y dos.
"Napakaganda ng mga pamangkin ko."
" Yeah kuya, sila ang mga anghel ko."
Maituturing man na single mother ay hindi ko ipapadama sa kanila na may kulang. Kaya niyang maging ama at ina sa kambal.
How will I explain to them someday? Ni hindi nga alam ng tunay nilang ama na may anak ito.
"Ate." dinig ko'ng tawag ng aking kapatid mula sa pinto. Kasama nito ang kambal na sina Zia at Zione. Nasa likuran naman ni Anton Chase ang asawa nitong si Jamilla.
"Congrats Ate." wika sa akin ni Jam.
Niyakap niya ako nang mahigpit. Naging maayos na ang pagsasama namin ni Jamilla. Alam kong may kasalanan ako rito noon, dahil gusto ko talaga dati ay ang best friend ko na si Anesty para kay Anton Chase.Pero nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa, lalo na si Chase. Hindi biro ang pinadaanan nilang dalawa dati.
"Thanks Jam!" sagot ko rito.
Hindi nagtagal ay dumating rin si Andy Mondragon. Siya ang anak sa labas ni daddy. Masaya si Andy nang makita ang mga pamangkin.
"Green ang mata ni Paige?Foreigner ba ang daddy, ate?" tanong ni Andy sa akin.
"Hindi ko alam. " sagot ko.
Wala naman akong gustong ilihim sa pamilya ko. Whether they will accept the truth or not, I can still stand for my own. Itakwil man ako nina daddy eh hindi naman ako mamamatay sa gutom.
I am an in-demand fashion designer specially abroad. Hindi basta bastang mawawala ang pangalang Xia Jill Mondragon sa Fashion Industry.
Ngunit bukod kay Kier, hindi ko sinabi sa kanila ang pangalan ng ama ng kambal. Ayaw ko ng gulo.
Itatago ko na lamang ang dalawa sa tunay nilang ama.