Nagising siya kinaumagahan sa tapik at yakap ng kambal habang tinatawagan ng mga ito ang pangalan niya.Marihin niyang minulat ang kan'yang mga mata at nakita ang maaliwalas na mukha ng mga anak. Inaantok pa siya ngunit dahil sa tawag ng mga ito ay bigla yatang nawala ang kanyang antok. Umupo siya sa kama at niyakap ng mahigpit ang mga anak." Nasaaan na si momma?" tanong niya sa mga ito. " Nasa baba na po Daddy Pogi. Tara na po sa baba, gutom na talaga kami daddy Pogi!" sabay na wika nina Paige at Avah habang hinihila ang kan'yang mga braso ng magkabilaan. Tumayo siya't walag magawa kundi ang sumunod na lamang sa mga bata.Nang makarating sila sa kitchen ay abala nga si Xia Jill sa pagluluto. May mga kasama itong katulong na nag-aassist rito pero hands on talaga ito sa kung anumang putahe

