LIAM NAGMAMADALI akong umakyat sa taas para sundan si Selendrina. Ngunit napamura ako nang pagpihit ko ng seradura ng pinto ay naka-lock iyon. Ilang ulit ko siyang tinawag at kinatok ngunit hindi niya ako pinagbuksan. Kinailangan ko pa tuloy bumaba para hingin ang duplicate key sa katulong. Pagbukas ng pinto ay agad kong nakita ang mga basang marka ng paa sa sahig. So she went to the bathroom. Maging doon ay ilang ulit ko rin siyang sinubukang katukin at tawagin But no answer came at nang subukan kong pihitin ang pinto ay naka-lock na naman iyon. Naisoli ko na ang susi sa katulong at umalis na ito kaya hindi ko na hinabol pa. Ilang ulit kong tinawag muli ang pangalan niya ngunit wala talagang response. Baka naliligo pa. Fvck! Inis kong hinubad ang damit kong suot. I was so aroused. At

