SELENDRINA "YAYA, nasaan po si Liam?" tanong ko sa katulong na nabungaran ko pagkagising ko kinabukasan. May sakit pa rin sa buong katawan ko at para pa rin akong lantang gulay. But the feeling was a lot better than yesterday. Medyo naigagalaw ko na ang aking mga hita. Naglibot pa ang mga mata ko sa paligid at itong katulong lang talaga ang aking nakikita. Naaktuhan ko itong binubuksan ang kurtina ng kuwarto. Sa may bedside table naman ay nahagip din ng mga mata ko ang nakahanda ko na ring breakfast. But there was no sign of Liam. "Umalis na po si Señorito, Señorita. Kanina pa pong mga alas siete. Pumasok na po yata sa opisina," mabilis na sagot nito. "Ganoon po ba? May iniwan ba siyang note para sa 'kin?" Excited akong nagpalinga-linga sa tabi ko. Sinikap kong bumangon para sipatin a

