Nagsimulang mag inuman ang magkakaibigan. Napuno ng tawanan ang buong kabahayan ni lola stella at dinig na dinig din niya ang usapan ng mga ito "okay talagang pumili ng magiging misis si genos" kantyaw nito sa kanya "yes of course dude, ako pa ba " taas noo nitong pagkakasabi, Samantalang ang kanyang lola naman "ayoko talaga sa babaeng yon, di ko gusto ang babaeng iyon para sa apo ko" bulong nito sa kanyang isipan, Isang ideya ang naglalaro sa kanyang isipan at agad niya itong ipinaalam kay shiina pero nabigla si shiina sa binabalak na plano ni lola stella.."p-pero lola hindi ko po kayang gawin kay genos yan".. " shiina iha ito na siguro ang tamang pagkakataon habang hindi pa ikanakasal ang apo ko sa madeson na yon at hindi ko gusto ang babaeng yon para sa kanya".. "lola Di ko po talaga kaya"... "pero iha tanging ikaw lang ang gusto ko para sa kanya".. Natutuwa si shiina dahil mas kampanti ang lola stella sa kanya kaysa sa girlfriend ni genos na si madeson. Gustong tumanggi ng isip niya pero hindi kayang tumanggi ang puso niya at dahil mapilit ang lola stella sa planong iyon ay ginawa nya na kaya kahit kabadong-kabado at nanginginig ang kanyang buong katawan ay di pa rin maitago ang tuwa sa kanyang puso na sa wakas ay mapapasa sa kanya na ang lalaking kinababaliwan niya ..
Isinagawa na nga ni shiina ang plano. Nilagyan niya ng pampatulog ang inuman nito ng patago at saka ibinigay ito sa binata.. Nagising siya at napasapo sa kanyang ulo.