Nang makaalis ang magkasintahan ay napansin ni shiina na tila malungkot na nakatanaw sa malayo ang lola stella niya
"lola bakit po kayo malungkot? Hindi pa naman po sila aalis pupunta lang po sila sa beach".. " ang babaeng yon ang gustong pakakasalan ni genos" nabigla si shiina sa nalaman niya, at natulala.. "ikakasal na pala siya" yon ang nasa isip niya sa mga oras na iyon "ayos ka lang ba iha?" nag aalalang tanong nito sa kanya ng makita niyang tulala ito "po? Ah opo ayos lang po ako sige po lola babalik na po ako sa trabaho ko" tumango lang ito sa kanya at bagsak ang balikat niya pabalik sa trabaho malungkot siya dahil ikakasal na pala ang lalaking kinababaliwan ng kanyang puso.. Lingid sa kaalam ni shiina na mas gusto ng lola stella niya na siya ang babaeng gustong ipakasal sa kanyang apo at hindi ang madeson na yon "sayang lang at hindi si shiina ang nasa puso ni genos" pabulong na pagkasabi nito ...
akala niya ay crush lang ang tingin niya kay genos pero hindi na ito mawala wala sa puso at isipan niya,