Wala nang nagawa si shiina, gustuhin niya man umalis mahigpit ang pagtutol ng kanyang puso kaya ginawa niya na lang ang tungkulin niya bilang kasambahay at hindi bilang asawa sa kanya... "strong black coffe ang gusto ko!" padabog na tinabig ni genos ang kapeng ipinagtimpla sa kanya ni shiina di niya naman magawang umangal dahil natatakot siya na baka mas lalo pa itong magalit kaya umalis siya sa harap nito at ipinagtimpla ulit ng kape na gusto nito "bilisan mong kumilos maglilinis ka pa ng bahay bago maglaba" utos nito sa kanya, Lahat titiisin ni shiina alang-alang sa baliw nitong puso. Napukaw nito ang atensyon ng marinig niyang may kausap ang asawa niya " pasensiya na po kayo aling dahlia.. Tapos na po ang serbisyo mo bilang housekeeper. May maid na po ako e".. "ah si aling dahlia pala yong housekeeper, ang sakit naman marinig na "maid" ang pagkakasabi niya" bulong nito sa sarili niya habang abala sa paglalampaso sa sahig...