SMITTEN 40 Sa sobrang dami kong iniisip at mga nalaman ay nakatulog ako matapos naming mag-usap ni Karon. I just can’t believe that Triton was just around me in Japan. Kaya rin siguro lahat ng request ko noon ay mabilis na nabibigyan ng consideration dahil nandoon s’ya at isa s’ya sa mga pumapayag. Pero bakit n’ya kailangang gawin ‘yon? I thought he wanted to get me out of his way? Kaya nga s’ya humingi pa ng tulong kay Jude hindi ba? Litong-lito ako. Hindi ako mapakali at hanggang sa paggising ko ay gano’n pa rin ang nararamdaman ko. I feel like going back in Manila and talk to him. I wanted to make everything clear. Kung hindi lang talaga ako pinapunta ni Daddy dito para maging representative n’ya ay uuwi na ako bukas na bukas din. But it was still Saturday at sa lunes pa magsisimula

