SMITTEN 43 Kinabukasan ay naghihintay na si Triton sa akin sa ibaba. Maaga akong nagising kaya nakakain na ako ng umagahan dahil hindi s’ya pumayag na aalis na naman ng hindi ako kumakain. He also told me that the seminar would last all day. Nakasimangot na kaagad s’ya habang sinisipat ang suot kong skirt at baby pink button down shirt. “That’s too short, baby. Don’t you have slacks-” “It won’t suit my top. Tara na. Late na tayo,” yaya ko na at hinila na ang kamay n’ya. Kunot noo s’ya at hindi kumilos kaya yumuko ako para bigyan s’ya ng magaang halik sa mga labi. Bumuntonghininga s’ya pero tumayo na rin at agad na kinuha ang kamay ko at hinawakan. He let our fingers intertwined while walking outside. Nag-init ang pisngi ko nang makita ang nagtatanong na mga mata ni Miles. Nang

