SMITTEN 15 Mr. Valencio is the exact opposite of my Dad when it comes to humor. Kung si Daddy ay nagbibiro na at lahat ay hindi mo pa makukuhang matawa dahil sa sobrang seryoso ng mukha, si Mr. Valencio naman ay hindi ka makakapaniwalang makakapagbiro dahil hindi bagay sa itsura n'ya. Palangiti din s'ya at mapagbiro. Hiyang-hiya siguro ang nasa tabi ko ngayong si Triton pagdating sa sense of humor. Parehong-pareho sila ni Daddy na kulelat pagdating sa pag estima sa mga bisita. Tsk! “Kung binata lang talaga ako ay hindi ka makakalampas sa akin, Hija. Baka hindi na tayo dumaan sa pagiging mag-nobyo, baka ako pa mismo ang pumikot sa'yo,” sabi ni Mr. Valencio matapos nila akong tanungin at sabihin kong kasalukuyan akong single. Hindi ko na binanggit na buwan buwan ay mayroon akong napa

