SMITTEN 38 Gulat na gulat ako nang katukin ako ni Mommy sa kwarto kinagabihan at sinabing nasa baba daw si Triton. Pagkatapos kasi ng ginawa kong pananampal sa kanya kanina ay agad na nagsabi ako kay Daddy na uuwi na dahil masama ang pakiramdam ko. Dalang-dala ako kanina sa galit at tindi ng emosyon ko na pinagsisihan ko din matapos ang ilang oras na pagtulog. Wala naman sana akong pakialam sa kanila dahil wala namang kami. Sinasabi lang naman n'yang manliligaw s'ya kaya ginagawa n'ya ang mga bagay na 'yon at nasa sa akin naman kung papatulan ko ang kalokohan n'ya. Pero iba kasi ang naramdaman ko nang sabihin n'yang s'ya naman ang maghahabol sa akin. Siguro ay masyado lang natatak sa isip ko na hindi s'ya babaero at hindi n'ya kayang makipaglaro sa relasyon kaya nang malaman kong n

