SMITTEN 31 Dahil hindi pa naayos ang schedule ni Karon ay nauna na akong pumunta sa Japan after my last shoot in Siargao. Ayaw pa sana akong payagan nila Daddy dahil alam nilang hindi ako madaling pakawalan at hayaan na lang na mag-isa lalo na at sa ibang bansa ‘yon at wala akong makakasamang kakilala. Aminado naman akong hindi ako sanay na maging independent unlike my twin. Kahit saan dalhin si Anika ay sigurado akong kakayanin n’yang makisama at mag-adjust. Sa aming dalawa ay mas maaasahan s’ya pagdating sa pagtayo sa sariling mga paa. Pero kahit na gano’n ay malakas naman ang loob ko at sigurado akong kaya ko ang sarili ko. Of course, I wouldn’t be careless like what I used to because I was living with my relatives. Sa Japan ay kinailangan ko talagang maging independent habang nagta

