SMITTEN 48 Dumaan muna kami sa Aldana Groups nang makarating sa Manila. Triton wasn’t in the mood after the call he received from his Dad. “Wait for me in my office. May pag-uusapan lang kami ni Daddy,” paalam n’ya nang tumapat na kami sa executive office na katabi lang ng sa opisina n’ya. Tumango ako at napatingin sa phone ko nang malakas na mag-ring ‘yon para sa tawag ni Karon. Kumunot kaagad ang noo ni Triton nang masulyapan ‘yon. Ngumiti ako at tumingkyad para humalik sa kanya. “He’s probably here now, right? Puntahan ko na lang sa office n’ya- Uhm… sabi ko nga papuntahin ko na lang s’ya sa office mo,” nakangising sabi ko dahil kitang-kita ko na naman ang pagsasalubong ng mga kilay n’ya. Umirap s’ya at humalik muna sa akin bago nagpaalam na papasok na sa opisina ng Daddy n’

