SMITTEN 45 Halos mapasinghap ako nang mula sa likod ng kaliwang palad ko ay umakyat ang mga halik n’ya sa braso ko at umakyat pa hanggang sa balikat ko. His warm and soft lips were removing the cold that I am feeling righ now. Pati ang init ng kaliwang palad n’yang marahang humahaplos sa kanang braso ko ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kilabot at pagkasabik sa kung anong pwedeng mangyari sa amin ngayong gabi. “Triton…” mahinang ungol ko nang maramdaman ko ang pag-akyat ng maiinit n’yang halik mula sa kaliwang balikat ko paakyat sa gilid ng leeg ko. Masyadong marahan ang ginagawa n’yang paghalik na para bang nanunukso o sadya lang na hinihintay na patigilin ko s’ya sa kung anong sinisimulan n’yang gawin ngayon. I can’t find my words to turn down what he obviously wanted to do now.

