SMITTEN 17 Hindi gaanong maluwang ang venue kung saan gaganapin ang seminar. Pagpasok namin sa mini auditorium na ‘yon ay halos magsisimula na at halatang kami na lang ang hinihintay. Agad na bumati si Triton at nakipagkamay kina Mr. Valencio at kay Denver na agad na ngumiti sa akin. Ilang mga mukhang kilalang tao pa ang nandoon at ikinagulat kong naroon din ang CEO ng Curved na agad na binulungan ni Denver kaya lumapit sa akin at nakipagkamay. Halos okupado na ang mga upuan sa harapan kaya medyo napapunta na tuloy kami sa gitna kahit na binibigyan kami ng space para isingit doon sa unahan ay tumanggi si Triton dahil siguro nahihiya sa mga aalis pa sana doon para lang bigyan kami ng space. Nang makarating na kami sa napili n’yang pwesto ay agad na nawala ang ngiting ibinibigay

