SMITTEN 23 Sa kalagitnaan ng byahe pabalik sa Cauayan airport ay umulan ng malakas kaya natagalan ng halos dalawang oras ang dating namin doon kaya naiwan kami ng eroplano pabalik ng Manila. Isang flight lang ang ina-allowed sa isang araw kaya bukas na kami paniguradong makakauwi. Triton was on the phone with someone at halata sa mukha n'ya ang iritasyon dahil sa nangyari. Ngumuso ako at iginala ang tingin sa paligid ng airport at nakitang disappointed din ang mukha ng karamihan sa mga tao doon na mukhang naiwanan din ng flight pabalik sa Manila. “Are we going to go back to the Villa?” tanong ko kay Triton nang makabalik sa gawi ko matapos makipag-usap sa phone. “Of course not. It's still raining at gagabihin na rin tayo ng dating kung babalik pa tayo doon. Let's just stay