Nagising si jewel na nakahiga sa isang maaliwalas na kwarto na western style ang design sa isang hotel , naririnig nya ang tunog ng wind chime na nasa bintana dahil sa lakas ng hangin
Bumangon sya at tumayo " n-nasan ako ???ang damit ko ? " Pagtataka nya ng makitang nakalong white sleeve sya na hanggang legs nya dahil sa laki nito , agad na napatingin sya sa labas ng glass window ng makita ang matataas na building
" oh gising ka na pala ? Malaking gulo ang ginawa mo sa city -jewel , matagal na rin tayong di nagkikita ah " boses ng lalaking pumasok sa kwarto na May dalang almusal , gatas at sandwich na nakalagay sa tray
Nagulat sya at agad na lumingon sa nagsalita
"Kalvinne ?Pano mo ko - ? Bakit ako nandito ? Napahawak sa bibig si jewel ng makita ang lalaking May puting buhok na nakasuot ng white long sleeve na bahagyang kita ang dibdib nya at black maong na nakasapatos , May hikaw syang silver na hugis araw sa kanang tenga na May bangs na bahagyang naka takip sa isa nyang blue na mata ,
KALVINNE
Ability : controlling wind
27 years old
Top 1 sa Class A
One of the powerful Kendra clan , smart , handsome , perfectionist , competitive and straightforward
Sya ay myembro ng Kendra clan leader ng class A na May kapangyarihang kumontrol ng hangin na kung tawagin ng tao ay aerokenesis kaya nyang pagaanin ang sarili at makalipad , gawing invisible na patalim ang hangin at makagawa ng tornado - mabilis , matalino sya at masasabing isa sa malakas na myembro ng clan -simula ng isilang ito kinupkop sya ng mga ELDEST ng Kendra clan tinuruan , sinanay sa taglay nitong kapangyarihan hanggang sa magkakilala sila ng 10 years old pa lamang na si jewel , sya naman ay 12 years old noon
Nang makarating si jewel sa clan wala syang naging kaibigan dahil sa tahimik lamang sya at walang gustong kumausap sa kanya , marami silang batang May kakayahan ng nagsasanay sa KENDRA MANSION , iba iba ang edad pero karamihan ay mga bata palang ,palagi lamang nagiisa si jewel na nakaupo sa bench ng garden ng mansion habang nanonood sa pagsasanay na ginagawa ng mga ito
Nakasuot sya ng bestida kulay puti habang nakataas ang paa na nakayakap sa tuhod nya na tila natatakot , walang buhay ang mata nya at puno ng kalungkutan
Pero si kalvinne lamang ang naglakas ng loob na kausapin sya , binigyan sya nito ng lollipop at tumabi sa kanya simula noon palagi na silang magkasama sa pagbabasa , pagsasanay at kung anu Ano pang bagay , si kalvinne ang nagturo kay jewel na maging tao muli tumawa , umiyak at magsalita matapos ng traumang nangyari kay jewel
Pero nagbago ang lahat ng dumating ang takdang araw ng kanilang pagtatapos at pag alis sa poder ng Kendra mansion at sumabak sa misyon nilang mag hunt ng mga shadows
18 years old si jewel noon ng bigyan sila ng pagsubok na dapat nilang ipasa para maging ganap na Kendra clan
Tandang tanda pa ni jewel lahat ng nangyari sa kanila ng huling araw na nagkita sila ni kalvinne
" jewel , kahit na Anong mangyari wag kang humiwalay sa grupo " sabi ni kalvinne ng nagtatago silang sampo sa loob ng abandunadong building kung san magaganap ang huli nilang pagsubok habang nasa likod nito si jewel , lahat sila ay nakasuot ng kulay gray na tshirt na tila katsa gayundin ng pantalon pawisan sa Pagtatago sa hindi nila alam na kaaway -
" kalvinne - kelangan natin syang matamaan sa noo para makaligtas tayo " sabi ng black skin na lalaking May kulot na buhok at makapal na labi
" shhh wag kayong gagawa ng anumang ingay ... malakas ang pakiramdam nya malalaman nya kung nasan tayo " bulong ni kalvinne
Pero malakas ang kaharap nila -
" wahhhh !!!! Ahhhhhh !!
" wag !!!! Ahhh
Sigaw ng limang kasamahan nila na dalawang babae at tatlong lalaki ng makuha ng itim na buhok na humahaba na kapag natamaan sila ay nagiging patalim na syang agad na kinamatay ng mga ito
Napahawak sa tenga si jewel ng marinig ang pagsigaw ng mga kasamahan na pinatay ng shadows na kalaban nila , agad na hinawakan ni kalvinne ang kamay ni jewel at nagmadali silang Tumakbo
Sinusubukan ni kalvinne na lumaban habang tumatakbo gayundin si jewel na ginagamit ang kuryente na makailang beses na Naputol at pinipigil ang mga mahahabang buhok pero patuloy parin sila nitong sinusundan
Hanggang sa naabutan sila nito sa taas ng rooftop na wala na silang Ibang mapuntahan , nalantad ang totoong anyo nito na isang babaeng nasa 40 pataas ang edad na nangingitim ang mga mata at May itim na ugat sa buong katawan na humahaba ang buhok na nasa sahig , galit na Galit ito sa kanila
"Papatayin ko kayong lahat !!! Kayo ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko !!! Kayo !!!!! Matinis na Sigaw nito na nagpagimbal sa kanilang dalawa na tila nagiging malaking halimaw na ang itsura nito na nangingitim ang buong katawan dahil sa pag tubo ng itim na balahibo at nagkukulay dugo ang mga mata na May matalim na mga ngipin
" Anak ?? Anong anak ang sinasabi nya ?? Kalvinne ?" Naguguluhan sabi ni jewel sa kaibigan pero hindi sya nito pinansin at sa halip agad na umatake sa babaeng halimaw na ginawang matulis ang hangin na kulay puti sa kanyang kamay at agad na pinagsasaksqk at pinuputol ang mga buhok nito , sumisigaw ito sa kanya
" jewel mag focus ka !! Umatake ka sa kanya !!! Bilisan mo !!! Sigaw ni kalvinne sa kanya ng ilang beses bumagsak
" anak , m—May anak sya ? P—pero panong nag-nagkaroon ng anak ang isang -s-shadows , Naguguluhan ang isip ni jewel habang umuwi was sa pagatake ng mga buhok hanggang sa napabagsak sya nito at tumama sa pader, malilito sya dahil sa unang pagkakataong makaharap sya ng shadows na ang alam lamang nya ay isa itong halimaw na walang pakiramdam at mapangwasak
Gumapang sa katawan ni jewel ang buhok nito hanggang sa mahigpit syang sinasakal nito
Papatayin ko kayo !!!! Sigaw ng babae ng pinutol ni kalvinne ang buhok na nasa katawan ni jewel
" jewel !! Ano bang ginagawa mo !!! Jewel !! Sigaw ni kalvinne sa kanya pero blanko ang mata ni jewel na natulala lamang
Naalala ni jewel ang isang batang babaeng nakahiga sa unauthorized room sa ilalim ng mansion kung san nakatali ang kamay at paa nito na May busal bibig at walang malay , na pinapalibutan ng mga eldest habang nakasuot ang mga ito ng operating dress nang mapa daan sya doon , agad na sinara ng lalaki ang pintuan ng makitang nakadungaw sya at simula noon di na sila pinapadaan doon
" jewel !!!! Gumising ka !!! Anong nangyayari sayo ??!! Ha !!! Pagsampal sa kanya ni kalvinne ng mawala sya sa sarili sa pagbagsak , puno ng sugat ang katawan nya pero tila manhid sya at balewala ang mga ito
Natauhan sya na nakatingin sa pawisan at May dugo ng mukha ni kalvinne " kalvinne - sorry pero kilala ko kung Sino ang anak nya , hayaan mo akong kausapin sya please " mahigpit na hawak ni jewel sa damit ni kalvinne habang nakatago sila sa likod ng water tank
" Ano bang pinagsasabi mo ?? Kapg lumapit ka sa kanya papatayin ka nya !!! Nakita mo na ang ginawa nya sa iba !!! Wag ka ngang magpakatanga jewel !!! " Galit na hinawakan ni kalvinne ang balikat ni jewel at pinisil ito
" please — hi-ndi nya gustong gawin to !! Nadala lang sya ng Galit !! At ng katauhan nya — please kalvinne gusto ko syang tulungan !! H-hindi paraan ang pag patay sa kanya !!! " nanginginig ang bibig ni jewel na nakikiusap sa kaibigan
" nababaliw ka na ba !!!! " nang biglang bumagsak ang halimaw na babae na agad nasira ang water tank at nayupi nagkahiwalay silang dalawa
Jewel!!!!!
Iwas ni kalvinne ng mabitawan si jewel na tumalsik sa malayo na sentro ang tingin ng halimaw kay jewel na nakahiga sa sahig na malapit ng mahulog sa gilid ng rooftop
Hirap syang bumangon at tumalon ang halimaw at dinaganan si jewel at mahigpit na sinakal nito Habang nakahiga , bumuka ang balat ng mukha nito at naging babae na syang mayari ng katawan na matalim na tumingin sa kanya na nilabas ang mahabang dila at dinilaan ang mukha nya
" papatayin kita !!! Kakaiba ang Amoy mo at lasa mo !!! Anong uri ng Kendra ka ??? Hihihihi " nang tila natuwa ito ng nakitang nahihirapan si jewel na hindi ginagamit ang kakayahan nya parang nagubaya nalamang sya sa ginagawa nito
" wag — tu-tumigil ka na please !!! Alm ko kung bakit ka naging ganit-o , - , ayokong sa-Ktan ka kaya , itigil mo na to -!!! "Hirap sa pagsasalita ni jewel habang inaalis ang pagkakasakal sa kanya ng babae
" hindi ako titigil !!! Kayo !! Kayo ang pumatay sa anak ko !!! Bakit nyo sya pinatay !!! Wala kayong awa!!! Nagbago na ako !! Namuhay akong tao pero di p kayo nasiyahan pinatay nyo na ang asawa kong tao !!! Di p kayo nakontento pinatay nyo pa ang mahal kong anak !!!kaya dapat kalang kayong mamatay !! Tila halimaw at babae ang boses nito na sumisigaw na sinaksak si jewel sa tagiliran gamit mahahabang kuko nito
Napasigaw si jewel sa sakit sa ginawa nito na Pilit na inilagay ang kqpwngyarihan sa katawan para hindi tuluyang bumaon sa laman nya ang pagsaksak sa kanya
" - alm kong hindi ka masama , naniniwala ako na buhay pa ang anak mo , tutulungan kitang hahanapin ko - sya " utal na pagsasalita ni jewel ng itinigil ng babae ang pagsaksak sa kanya at nagbago ang anyo nito
" Ikaw !!! Alam mo kung nasan ang anak ko !!!! Si - Sinungaling ka !! Hindi ako naniniwala sayo !!! Pareparehas Lang kayong lahat !!! " nang muling sumikip ang pagsakal kay jewel at lalong lumala ang ginagawa nito na halos bumaon na ang katawan nya sa sahig na nawawasak na dahil dumoble ang laki nito ,
Pilit na inabot ni jewel ang mukha ng babaeng halimaw ng mahawakan nya ang pisngi nito - biglang May lumabas na liwanag sa kamay ni jewel na syang kinagulat ng babaeng halimaw na tila napunta sya sa ibang dimension at sa ibang lugar na tila sa loob ng isang madilim na kwarto at May nakahiga na batang babae sa kama
Nanlaki ang mata ng babae ng unti unting tumutulo ang luha habang nakasakal kay jewel
" tutulungan kita , ibabalik ko sayo ang a-anak mo , please tumigil ka na " mahinang sabi ni jewel ng unti unting bumitaw sa kanya ang babae at lumiliit ang katawan nito na nakaupo sa sahig
" hindi ko gustong pumatay ang gusto ko Lang makita at makasama ang anak ko si yumia - Pakiusap ibalik mo sya sakin " nakatingin sa kanya ang babaeng umiiyak ng kulay itim na unti unting umaalis sa katawan ni jewel ang mga buhok ng babae hanggang huminahon ito
Pinilit ni jewel na tumayo na nakahawak sa tagiliran na nahihirapang huminga " tutu-" pero natigilan na napamulagat ang mata ni jewel ng nagimbal sya ng makita na May matulis na tumama sa likod ng babae na tumagos sa dibdib nya
Na syang kinaangat ng katawan nito sa pagkakaupo habang nakatingin sa kanya na agad sumirit ang itim na dugo nito gayundin lumabas sa bibig at mga mata nito ang itim na dugo
Napasigaw si jewel sa nangyari " aahhhh——-!!!! Hindi !!!! Bakit mo ginawa to !!! Ha!!!!!! " na halos nabaliw si jewel sa nakitang awa sa ginawa ni kalvinne ng bigla nyang hinugot ang kamay sa likuran ng babae at inihagis
Kalvinne !!!!!!!hi-ndi !!!! Hagulgol na Sigaw ni jewel ng pinilit na tumayo at puntahan ang babae pero inangat ni kalvinne ang kamay at humarang sa kanya
Malakas syang sinampal na syang nagpadugo sa labi ni jewel
" nakakadisappoint ang ginawa mo jewel !!! Inakala kong parehas ang tumatakbo sa isip natin pero nagkamali ako - mahina ka !!! Sabi ni kalvinne na tila wala itong pakiramdam habang seryoso na nakatingin sa kanya " hindi ka maaaring sumama sakin , isa kang malaking pabigat sa grupo - "hinablot na hinawakan ni kalvinne ang mukha ni jewel na umiiyak , nilapit nya ang labi nya sa tumutulong dugo ni jewel sa Ibaba ng labi nito at sinipsip nya
Manhid ang katawan ni jewel na umiiyak na nakatayo lamang , pero nakatingin sya sa katawan ng babaeng shadows na nagdedeliryo habang nakahiga na nagaagaw buhay
"Kalvinne -tama na " nanghihinang sbi ni jewel na mahigpit na hinawakan ang kwelyo sa damit ni kalvinne
" makinig ka jewel kung gusto mong makasama sakin at maging tunay na Kendra clan , kelangan mo syang patayin —pumatay ka ng mga shadows , gawin mo at pinapangako kung hindi ako lalayo sa tabi mo - ako Lang ang kaibigan mo jewel kelangan mo ko , " matalim na tingin na sabi ni kalvinne habang pinupunasan ang luha sa pisngi ni jewel na tulala lamang
Humawak ito sa balikat ni jewel at pumunta sa likod nya habang naglalakad na tinulak nya palapit sa babaeng shadows na nasa sahig .
" tapusin mo na ang buhay nya - yun ang dapat sa mga shadows na tulad nya jewel sige na !! Gawin mo na !!" Hudyok ni kalvinne habang bumubulong sa tenga nya
Lumapit si jewel sa babaeng shadows na hindi tumitigil ang paglabas ng itim na dugo sa bibig nito gayundin sa sugat sa dibdib nito
" ang - a-anak ko —- Ha— Ha-napin mo - sya " hirap na pagsasalita ng babae na tumulo ang luha sa mata nya , habang mabilis na humihinga
"hindi ko sya kayang patayin kalvinne !!!im sorryy !!! "!!napahawak sa tenga at Tumalikod si jewel sa babaeng shadows ,
Jewel !!Sige ako na Lang ang gagawa !!!! Sumigaw sa Galit si kalvinne na agad naglaho sa harap ni jewel at tumungo sa babaeng shadows at agad na dalawang beses na sinaksak ito gamit ng hangin na patalim na di nakikita sa kamay , bumagsak ang mga buhok ng babaeng shadows at tuluyan na syang nawalan ng buhay at unti unting naglaho na tila itim na usok
Humihikbi si jewel sa pagiyak sa nakita , nang nakatayo na napaatras sa humarap sa kanyang si kalvinne
"Simula ngayon hindi mo na ko makikita jewel - ayokong makasama ang tulad mo na hindi kayang pumatay ng shadows at ipagtanggol ang kanyang sarili - nakakadismaya ang ginawa mong to , sana hindi na tayo muling magkita dahil kung mangyari man ulit na maging magkqlqbqn tayo sa magkaibang prinsipyo di ako magaatubiling labanan ka !!! Ituturing ka nilang nakapasa sa pagsubok dahil sa tayong dalawa Lang ang nabuhay - kaya sana pagingatan mo ang sarili mo ,- bye jewel " tumalon si kalvinne sa building at agad na naglaho habang si jewel ay nanlumo at napaupo na walang tigil sa pagiyak
Napabilang si jewel sa mga mahihinang class c ng Kendra clan kung san nasa lower class sila na kabilang ang mga pulis , detective nanghuhuli sila ng mga mahihinang uri ng shadows na nanggugulo sa city at pinapadala sa Kendra clan ,lumulutas ng kaso ng pag patay na May kinalaman ang shadows kung san din kabilang si jade na naging kaibigan nya
Simula noon hindi na nagpakita si kalvinne sa kanya kaya ganon nalamang ang pagkabahala ni jewel ng makita ito
Binaba nito ang tray sa ibabaw ng drawer na nasa gilid ng kama , napaatras si jewel ng makilala ito
" don't worry walang nakakaalam na nandito ka , magalmusal ka muna para mabawi mo ang lakas mo , " sabi nito ng umupo sa Sofa na nasa gilid at nagcross leg na nakatingin sa kanya na halata nito sa mukha nya na Pagtataka dahil iba na ang suot nya " your dress ? Malala na ang sunog ng damit mo kaya tinapon ko na -hindi ako ang nagpalit sayo kundi si ALISH "
" salamat sa pagpapatuloy mo sakin , aalis narin ako " Seryosong sabi ni jewel ng kinuha ang kumot at itinali sa baywang para takpan ang legs nya habang nakapaang umiwas kay kalvinne
"wait - hindi ka ba masayang makita ako jewel , ang Akala ko pa naman after a year nananabik ka ng makita ako " sabi ni kalvinne ng inilagay ang dalawang kamay sa sofa
" stop it - alam ko naman na hindi ako ang dahilan kung bakit nandito ka - kaya wag ka ng magpaligoy ligoy pa tapatin mo ko kung Anong dahilan mo kung bakit ka nandito ?!!" Matapang na sabi ni jewel na tumalikod kay kalvinne
Sa isang iglap nasa harap nya na si kalvinne , na nakaharang sa pintuan ang isang kamay nito
" your right, jewel - your not the reason kung bakit ako nagtungo sa lugar nato - pero masaya parin akong nakita kang buhay at malaki narin ang pinagbago mo, " umabante ito na patungo kay jewel umatras naman sya ng inilihis ang mukha sa gilid
" wala ka ng pakialam kung Ano man ang mangyari sakin !! Ano ba talagang dahilan mo bat nagpakita ka muli sakin ? " prang kang sabi ni jewel kay kalvinne
" sige sasabihin ko na sayo - nabalitaan kong nakita mo ang totoong mukha ni blast - ng sumalakay sya sa restaurant sabihin mo sakin kung Anong totoo nyang pangalan ??? At Ano ang totoo nyang gender ?? " Seryosong sabi ni kalvinne ng tila huminga ang hangin sa loob ng room at uminit sa paligid
" blast —?kung ganon sya ang pakay mo !!! Nagulat si jewel ng maalala ang nangyari sa pagitan nila ng shadows at kung paano nya ito binuhay
" Oo sya nga !! Nabalitaan kong nagpakita sya sa lugar na to at nalaman ko rin na Ikaw talaga ang pakay nya , alam mo bang nagsasagawa ng hakbang ang class c sa paghahanap sa kanya pero hindi nila pinaalam sa Kendra clan , kaya May mabigat na Parusa ang ginawa nila dahil dito maraming mga bagong biktimang namatay - " paliwanag ni kalvinne sa kanya ng inikotan sya at pinagmamasdan ang magiging reaksyon nya
Pero nanatiling mahinahon si jewel , " wala akong alam sa mga ginawa nilang hakbang , pero ng mga oras na pinasabog nya ang restaurant tama ka nandon ako - nagkita kami dahil Senet up nila ako sa kanya para makipagdate , nakita ko ang totoo nyang itsura gayundin ang pangalan nya , " nalungkot ang mukha ni jewel na napayuko sa sinabi kay kalvinne
" date ?!!! Natawa si kalvinne ng marinig ang sinabi ni jewel " kung nagkita kayo !! Anong kelangan nya sayo !! Bakit ang isang mailap na shadows ay makikipagkita sayo jewel ?? May -relasyon ba kayo Ha !!alam mo ang mangyayari sa nyong dalawa kung May relasyon kayo " ang boses ni kalvinne na agad mahigpit na hinawakan sa buhok si jewel at pinaling nya sa malapit sa mukha nya
Biglang natawa si jewel ng makita nya ang Galit sa mukha ni kalvinne ng marinig ang sinabi nya kahit na bahagya syang nasasaktan sa ginagawa nito sa buhok nya " bakit ganyan ka makareact kalvinne ? Nagseselos ka ba ? Nang agad na bumitaw si kalvinne sa buhok ni jewel ng maramdaman ang kuryente sa mga hibla nito
" hindi ako nagseselos !! Isa pa alam mo namang matagal ng hinahunting ng Kendra clan ang 1st class shadows nayon !!! Alam mo kung gaano kalakas ang halimaw na yon kaya sabihin mo sakin kung Anong pakay nya sayo ??, para mahanap ko sya, !! Seryosong sabi ni kalvinne
" gusto nya kong patayin kalvinne sapat na ba Yong dahilan ? Senet up ako ng class c para ipain sa kanya , para mahuli sya pero - sobrang lakas ng kapangyarihan nya kaya hindi nila ito nahuli - tumakas ako kaya ako nabuhay pero wala akong nailigtas na tao , — " tumutulo ang luha ni jewel ng maalala ang nangyari , dahil sa ginawa ng class c hindi Lang sya ang pinain ng mga ito kundi ang mga inosenteng Tao sa loob ng restaurant
" huhulihin ko sya at papatayin jewel !! Kaya ipakita mo sakin ang totoong itsura nya " agad na lumapit si kalvinne kay jewel at hinawakan sya sa braso
" pa-patayin ? Itigil mo na ang ginagawa mo , pag ganti ? pa ulit ulit na Lang ang lahat walang katapusang pakikipagdigma at p*****n, di ka na ba napapagod Ha ?? Bakit di mo sila bigyan ng pagkakataong magbago ? May dahilan ang lumikha satin kung bakit tayo dinala sa lupa , hindi Lang proteksyonan ang tao kundi -" ng mahigpit na hinawakan ni jewel ang kwelyo nito
Pero agad na inalis ni kalvinne ang pagkakahawak sa kanya ni jewel "kundi what — ? Ang maging mahina ? Magkaroon ng damdamin ? Maawa ? Mga bagay na ginagawa ng isang tao!!! Kelan ka ba matatauhan jewel !! Hindi tayo Tao mga Anghel tayo !! At ang mga shadows mga demon sila na sumisira ng mundo !!! Kaya kahit na Anong gawin mo !!! Wala kang magagawa para baguhin ang pinagmulan mo !!! I pinagtatanggol mo sila na gusto ka ng patayin pero naaawa ka parin !!! Walang lugar ang awa sa kanila !!! Naiintindihan mo jewel !!! Kaya tumigil ka na !!! Nanlilisik ang mata ni kalvinne na tumingin kay jewel ng tila May malakas na hangin na pumasok sa loob ng kwarto at sinalag ni jewel na dadala sya sa lakas at napasandal sa pader
Humarang si kalvinne na nakaharap sa kanya at inilagay sa pader ang dalawang kamay sa bandang ulo nya
" makinig ka jewel !! Hindi na kita pipilitin na ipa kita sakin ang totoong itsura nya pero kahit Anong gawin mo hahanapin ko si blast at papatayin dadalhin ko sayo ang ulo nya , hintayin mo Lang - " nilapit ni kalvinne ang labi sa tenga ni jewel habang bumubulong na napatulala sya sa sinabi nito
Kal— vinne-" mahinang sabi nya
Ipinaling ni kalvinne ang mukha ni jewel para tumingin sa kanya at hinawakan nito ang labi nya habang nakatingin sa kulay green nyang malungkot na mata
" jewel - sabihin mo sakin kung gusto mo paring makasama ako - magstay ako , basta susunod ka Lang sa mga gusto ko , "dahan dahang nilapit ni kalvinne ang mukha kay jewel
Biglang magiliw na pumasok sa pintuan
ALISH -
-top 2
-17 years old na sa edad nya ay CLASS A Kendra clan na, kagrupo ni kalvinne
-short
, -cute na May kulay blonde na buhok na mahaba ,
-na nakaponny ng dalawa na May ponnytail crown sa tuktok ng ulo nya , May konting bangs -
-kulay brown na mata habang naka school uniform na kulay blue, na May ribbon , medyas na hanggang tuhod nya
-May black gloves sa kanang kamay nya
-Ability - unidentified
Nagtaka ito ng makita silang dalawa na magkalapit , nagitla si jewel na agad tinulak si kalavinne sa dibdib ,tumakbo sya binuksan nya ang glass window at mabilis na tumalon ,habang nakasuot lamang ng long sleeve na hanggang legs nya Lang nasira ang botones nya sa may dibdib nahulog ang kwintas na bigay ni Oswald na mabilis nyang kinuha bumabagsak na hinahangin ang buhok nya pababa ng mataas na building ng May nakita syang teres na bukas agad na humawak sya sa bakal at tumalon papasok sa loob non .
Tumakbo na dumungaw sa bintana si ALISH " hala umalis na sya - pano na ngayon yan , ? Di na natin mahahanap si blast ? Susundan ko ba sya kalvinne ? " Tanong ni ALIsh na tila inosenteng tumingin pero May tinatagong kakaibang lakas
Umupo lamang si kalvinne sa kama at kinuha ang sandwich na nasa tray " wag na , hayaan mo na sya - madali lang naman syang hanapin , ang kelangan nating malaman kung nasan si blast - " ngumiti ito ng kumakagat sa sandwich
" wait - Girlfriend mo ba sya ??? - " nakangusong sabi ni alish sa kanya , na nagtataka dahil hinayaan nitong patakasin si jewel , nagbago ang itsura nito ng May naalala sa katawan ni jewel
"Sya ba yung babaeng kasabay mo sa pagsubok ? Kasi - yung katawan nya, May kakaiba akong nararamdaman sa babaeng yon kalvinne " Seryosong sabi ni alish ng makita nya ang likod ni jewel na maraming peklat na tila Kalmot at tahe na meron din sa balikat nya
Alam ni kalvinne ang tinutukoy ni alish dahil ng mapunta si jewel sa Kendra mansion ng 10 years palang ito nagtamo ito ng maraming sugat sa buong katawan na tila galing sa latigo at hiwa
"Alam mo wag ka ng masyadong matanong dyan — " agad na isinubo nya ang isa pang sandwich sa bibig ni alish
"Kalvinne !! Ano — sabihin mo na ?? Anong meron sa babaeng yon ??- pangungulit nito na agad inalis ang sandwich sa bibig nya at cute na naglakad na tumatalon pa
Kumuha ng damit si jewel sa malaking white kabinet ng na pasukan nyang room habang nasa cr naman ang May ari , agad na hinubad nya ang longsleeve at nagpalit ng maroon na tshirt na tila sa panglalaki at jagging pants , dahan dahan nyang sinara ang pinto ng kwarto at ng paglabas nya nakita nyang May batang lalaking kalbo na nasa 3 years na naglalaro sa
Sala na nagkatinginan sila na natigilan sa paglalaro ,
"Mam—mama" mahinang sabi ng bata ng nakaTayo habang nasa tapat ng tv na May palabas na simple song na pangbata na tinuturo sya
" shhh " Senyas ni jewel na pinapatahimik ang bata
Habang abala ang Ina nito sa pagluluto at paghihiwa sa maliit na sala , nang makita nyang papunta ang nanay nito sa bata at kinarga nagtago si jewel at nagmadaling lumabas pero tumunog ang pinto nito na syang kinagulat ng babae Na agad sumilip pero di nya na naabutan si jewel
Naglakad ng mahinahon si jewel hanggang sa makakababa sya sa building at maki sabay sa mga taong naglalakad , na hindi alam ang totoo nilang pinagmulan at katauhan ,
Nagpahinga si jewel at umupo sa bench ng underground sa train Station habang tila mabilis ang pagkilos ng mga Tao sa paligid nya at sya ay nakatulala na naririnig nya ang malakas na paghinga nya ng biglang mabilis na dumaan ang train sa harap kasabay ng paghinga nya at pagbagal ng kilos ng mga Tao nakita nya ang isang nakaitim na lalaking naka wood jacket na nakatingin sa kanya , natigilan sya ng makilala ang lalaki
Ngumiti ito ng makita sya na agad nakaramdam sya ng kaba sa dibdib nya .