Chapter 5

1044 Words
Mabilis lumipas ang buwan, ang buwan ay naging taon. Nang tumuntong ng 3rd year college si Berkeley ay napagpasyahan na niyang tanggapin ang pag ibig na matagal ng inaalay ni Finn. Nahulog ang loob ng dalaga dahil nakita niya kay Finn ang pagpupursige at sensiridad nito sa panliligaw. Bagay na hindi naman hinadlangan ni Mr. Caleb. Hinayaan niya ang kanyang anak na gawin ang mga bagay na ikakasaya nito. Naging maayos ang unang taon ng relasyon ni Berkeley at ni Finn. Pagtungtong nila ng 4rth year college ay maraming naging plano ang dalawa lalong lalo na si Finn. Maraming plano ang binata para sa kanilang future dahilan ito para mas lalong lumalim ang pagmamahal ni Berkeley sa kasintahan. Isang araw ay niyaya ni Finn si Berkeley sa isang date. Nagpunta sila sa isang private beach resort na pagmamay ari ng kamag anak ni Finn. Sumakay sila ng yacht at doon ay naglayag sila sa gitna ng dagat. Habang tinatanaw ni Berkeley ang malawak na dagat at ninamnam ang simoy ng hangin. Bigla siyang niyakap ni Finn habang nakatalikod. Nagulat siya ng bahagya ngunit napalitan ng ngiti ng humarap siya sa binata. " Do you like it?", tanong ni Finn sa nobya. Tumango ang dalaga habang nakangiti at isinandal ang ulo sa dibdib ng nobyo. " Thank u", matipid na wika ni Berkeley at niyakap ng mahigpit ang nobyo. Ang yakap na iyon ay naging mapusok hanggang sa unti unti ng gumagapang ang mga kamay ni Finn pataas at pababa sa likod ni Berkeley. Hinalikan niya ang nobya at banayad na isa isang inalis ang saplot nito sa katawan. Ang halik na iyon ay lumipat sa puno ng tainga pababa sa leeg. Dahil sa mga bugso ng kanilang damdamin ay hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili sa nangyayari. Handa na si Berkeley na isuko ang kanyang bataan sa binata. Matapos mangyari ang kanilang pagniniig ay kapwa sila may mga ngiti sa labi. Si Finn ang kauna unahang lalaking pinagkalooban ni Berkeley ng kanyang p********e. Panatag si Berkeley na ibigay kay Finn ang bagay na iyon dahil nakaramdam ito ng assurance sa binata. Matapos nilang pagsaluhan ang matatamis na sandali ng kanilang pag iibigan. Nagpasya ng ihatid ni Finn si Berkeley sa kanilang bahay. Pagpasok ni Berkeley ay napansin niyang bukas ang pinto ng study room nila. Sumilip siya doon, nakita niya ang kanyang ama na nakatayo sa harap ng bintana may hawak hawak na papel. Mukhang abala ito sa ginagawa kaya hindi niya napansin si Berkeley na nakasilip sa may pintuan. " Dad, bat gising ka pa", wika ni Berkeley " Ohhh,you scared me", gulat na wika ni Mr. Caleb. " May tinatapos lang ako sweety", dugtong nito. " You should rest early dad, bukas na yan", utos ni Berkeley kay Mr. Caleb subalit hindi siya pinakikinggan ng ama. " Dad! Dad! Daaaaad!", sigaw ni Berkeley upang patigilan na ang kanyang ama sa ginagawa nito. " Ok! Ok! Okaaaaay!", at itinaas ni Mr. Caleb ang kanyang mga kamay upang ipaalam na sinusunod na nito ang utos ng dalaga. " Goodnight dad, I love you", nakangiting wika ni Berkeley. " Goodnight sweety, i love you too", sagot ni Mr. Caleb. Tuluyan ng tumalikod si Berkeley at nagtungo na sa kanyang kwarto upang makapag pahinga na rin. Napagod siya sa naging date at sa mga nangyari sa pagitan nila ni Finn. Nakatulog siyang may mga ngiti sa labi. Lumipas ang 2 buwan, napapansin ni Berkeley na nagiging malapit si Finn sa ibang mga babae. Maging ang mga kaibigan nito na si Sean at Shanty ay napapansin din ang pakikipaglapit ni Finn sa iba. Hindi maiwasan ni Berkeley na makaramdam ng selos, lalo na't may nangyari na sa kanila ni Finn. Naninibago ang dalaga sa inaasal na iyon ng nobyo dahil hindi naman ganon ito noong wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. Alam niyang maraming humahanga kay Finn ngunit hindi niya inaasahan na makikipaglapit ito sa mga babaeng nagpaparamdam ng kanilang pagkagusto sa binata. Isang araw, pumunta sina Berkeley, Sean at Shanty sa Cafeteria upang kumain. Sa hindi inaasahan ay nakita nila si Finn na may kasamang babae. Nakaupo sila sa isang mesa at masayang nagtatawanan. Nakita ni Finn ang pagdating nila Berkeley sa Cafeteria at kinawayan niya ang mga ito. Lumapit sila Berkeley sa mesa kung nasaan sina Finn at ang babae na kanyang kasama. Nang makalapit na sila ay bigla naman nagpaalam ang babaeng kasama ni Finn na aalis na. Bago umalis ay tumingin muna kay Berkeley at inismiran ito sabay ngiwi ng mga labi. Muntik ng hilahin ni Sean ang mga buhok nitong kinky mabuti na lang at nakapagpigil pa ang bakla. " Guy's, alam ko ang mga tingin na iyan, It's not what you think!", depensa ni Finn sa nang uusig na mga mata ng tatlo. " Then who is she, Finn?", tanong ni Shanty. " She's just my classmate, nagkasabay kaming pumunta dito sa Cafeteria then nakiupo siya. You know me, I'm not a snob!", paliwanag ng binata. " Yun lang ba talaga Finn", paniniguro ni Berkeley. "Yeah, mabuti pa kumain na lang tayo", wika ni Finn at inalalayan si Berkeley upang makaupo sa kanyang tabi. Matapos silang kumain ay napansin ni Sean at Shanty ang pagiging matamlay at tahimik ni Berkeley. Tinabig ni Shanty si Berkeley upang makuha ang kanyang atensyon. " Sissy okay ka lang ba?", tanong ni Shanty. " Oo naman", sagot ni Berkeley na pilit ang mga ngiti. "Kilala ka namin sissy", wika ulit ni Shanty. "Don't worry I'm okay, promise", wika ni Berkeley at itinaas ang isang kamay. " Subukan nilang agawin si Finn sayo kakalbohin ko sila", gigil na wika ni Sean. Nagtawanan ang magkakaibigan sa sinabing iyon ni Sean. Pansamantalang napawi ang mga iniisip ni Berkeley dahil sa mga kaibigan. Sa mga nagdaang mga araw ay kapwa abala sina Finn at Berkeley sa kani kanilang nalalapit na pagtatapos. Kaya malimit ng magkita ang magkasintahan. Nagkikita man sila ay isang beses nalang sa isang araw. Minsan na lang din silang nagkakasabay kumain sa Cafeteria. Habang naglalakad silang magkakaibigan ay may mga naririnig silang rumors about kay Finn. May kinahuhumalingan daw itong isang babae. Ngunit isinawalang bahala ni Berkeley ang mga haka haka na iyon patungkol kay Finn dahil malaki ang tiwala nito s kanyang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD