KEISHA LORRAINE RODRIGUEZ's POV Pasimple akong humiwalay sa kanila. Hindi naman nila ako namalayan dahil nakikipag-usap sila sa mga babae. Nauna akong pumunta sa attic, nasa akin naman ang ini-sketch ni Kuyang gray ang buhok (Austin) kaya alam ko ang daan. "Oh hi, sexy!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalaki sa gilid ko "Bago ka ba dito?" Tanong pa nya Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Not so fast honey!" Sabi nya sabay hablot sa braso ko. Agad naman akong bumwelo at malakas syang sinuntok sa panga at nagpakawala ng flying kick. Bumagsak sya sa sahig kaya agad kong inapakan ang sya sa likod. "Asan ang mommy at daddy ko?" Malamig kong tanong Napatawa naman sya at mabilis na bumangon at akmang susuntukin ako pero nakailag ako at agad pumunta s

