3rd PERSON's POV Nakayuko si Keisha, nakatingin lang sya sa nanginginig nyang mga kamay. Natigil na sya kanina sa pag-iyak dahil sa biglaang panginginig ng mga ito. Kanina pa sya nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Nakamasid naman sa kanya si Cyrus mula sa malayo. Si Nigel ay nasa likod nya pero hindi nya iyon na papansin. Nakatago rin naman kasi ito at hindi talaga gustong magpakita. "Keisha?" Agad lumingon si Keisha at itinago sa likod nya ang mga nanginginig nyang mga kamay. "Pwede ba tayong mag-usap?" Suot pa rin nito ang uniporme nila, ngunit ang sumbrero nito ay wala. Mugto pa rin ang mga mata nito pero maayos nang nakapusod ang buhok nito. "I just want to say sorry. You have mistaken what you'v---" "THEN BAKIT KA NYA KAYAKAP? BAKIT KA NYA HINALIKAN?" Napaatras sa gulat si

