KENJIE LEEROI RODRIGUEZ's POV Nagtago ako sa likod ng puno habang pinagmamasdan si Mr. Alrin Montejo. Bumutong hininga ako bago itutok ang baril sa kanya habang papalabas ng bahay niya. Tinantya kong maigi ang pwesto niya. Yumuko muna ako dahil ayoko ng pumatay. Pero kung hindi ko ito gagawin, paano na si Keisha? Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko. Hindi ko na kaya, pero kailangan. Muli kong itinutok ang baril sa malapit na sa kotseng si Mr. Montejo. May kausap ito sa cell phone at luminga linga sa paligid. Napatago akong muli sa puno. Dahan dahan akong sumilip at nakita ko siya papasok na sa kotse Kaya itututok ko na sana ang baril pero hindi ko na talaga kaya. Tumalikod na ako. Napayuko ako. "I'm sorry!" Tumakbo na ako papunta sa motor ko at tinapon ang baril.

