KENJIE LEEROI RODRIGUEZ's POV "Kenjie, balita ko dito na mag-aaral ang kakambal mo?" Sabi ni Troy—tropa ko, habang sinusuntok ang punching bag. "Yep!" Walang ganang sagot ko habang naglilinis ng baril. "May picture ka ba niya? Patingin!" Clyde at umakbay sa'kin. "Bro tingnan mo na lang si Kenjie at imaginin mong babae hahahah ang sagwa!" Sabi naman ni Cyrus, kakambal siya ni Clyde. "Mga gag*! Baka pag nakita niyo yun eh, ligawan niyo!" Singhal ko sa kanila. "Bakit bawal ba?" Austin. Himala nakisali sa usapan. Kanina pa ito nakaupo sa sofa at nakamasid lang sa amin. Wierdo! "Bawal! Baka malaman pa niya ang sikreto natin!" Sabi ko at bumalik sa paglilinis ng baril. "Anong connect non?" Clyde said frowning. "Mga ugok, malakas ang radar ng isang iyon." "Hindi mo parin ba sinasabi s

