MAYANNA's POV Habang papalapit ang sasakyan nya sa pwesto ko ay biglang lumitaw sa isip ko ang imahe ng anak ko noong una ko syang mahawakan. Yung una nyang pag-iyak na nagpatulo sa luha ko. Yung una nyang pagtingin sa mata ko. Sumunod naman ang imahe ni Nicolo. Yung una naming pagkikita. Yung una nyang pagngiti. Yung nagpakilala sya. Yung pagsabi nya sa akin ng 'Gusto Kita' at 'Pwede ba kitang ligawan?'. Yung sinagot ko sya. Yung una naming halik at yakap. Tumulo ang luha ko. Hindi pwedeng dito na lang. Kailangan ko pang makasama ang dalawang taong importante sakin. Kailangan ko pang ipadama kong gano ko sila kamahal. Tinitigan ko ang kotseng papalapit sakin. Tatlong metro pa ang layo, pero mabilis ang takbo. Hindi na aabot kong tatakbo ako. Mahahagip at mahahagip pa rin ako. Humiga

