KEISHA LORRAINE RODRIGUEZ's POV
Paano ba ako tatakas nito?
Hawak kasi ako ng dalawang guard sa magkabilang braso tapos, may bantay sa likod at harap ko.
Isip... Chocolate
Isip... Race Car
Isip... Light bulb
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
"WHAAA MARIAN RIVERA!!!!" sigaw ko kaya nagkagulo ang lahat
"Asan? Asan?"
Kanyahan silang takbo kaya, tumakas na ko.
Bwahahaha. And the winner is KEISHA!!!
"Ayun siya tumatakas!" Dinig kong sabi noong isang guard.
Hindi pa pala ako winner.
Tumakbo ako ng tumakbo ng may makilata akong malaking poste nagtago ako dun.
Yiekss may tao pala! Naka hood siya tapos naka shades. At naka mask pa.
Yung totoo, kriminal ba to?
"Manong itago mo ko!" Sabi ko ng marinig kong papalapit na ang mga guard kaya ihiharang ko siya sakin.
Mukha tuloy kaming magkayakap. Pero in all fairness, ang bango ni Manong. Hihihi.
"Ano ba bitaw nga!" Sabi nya
Nang makalagpas ang mga guards ay may lumapit naman saming magandang babae.
"Sinasabi ko na nga ba Nigel. May iba ka eh!" Sabi nung babae kay manong na nakahoodie habang pinaghahampas ito sa braso.
Uh oh!
Mas malaking trouble. Umatras ako at tumakbo ulit.
"Bye, Kuya Manong salamat!!" Sigaw ko habang nananakbo.
Mukha na akong takas sa mental.
Humanda ka talaga sakin KENJIE.
----
Bago ko buksan ang pinto ng bahay, sumigaw ako ng malakas.
"KENJIE LEEROI RODRIGUEZ NAPAKA WALANG HIY----"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong may bisita.
"May bisita pala. Hello po!" Nahihiyang sabi ko at naglalakad papunta sa hagdan.
Nang makarating ako sa unang baitang nun, tumakbo uli ako pataas.
Ginawa ba ang araw na toh para sa kamalasan at kahihiyan ko.
Pumasok ako ng kwarto at nagbihis.
Tapos pumunta ako sa harap ng computer at naglaro ng favorite game ko.
"Oh fuck... Shit... Ahh! Yeah, malapit na ko! f**k, f**k!"
Walang hiya mauunahan na ko.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang nakakunot na noo ng Mommy ko.
"Hoy Keisha, anong nangyayari sayo?"
"Oh s**t, wala na naunahan na ko!"
Nagpapadyak ako at nakangusong tumingin kay Mommy
"Mommy naman eh, natalo tuloy ako! Bayaran mo iyan, 10000!" Nakanguso kong sabi.
Tinawanan naman ako ni Mommy. I lost on a car racing game because of her tapos tatawanan niya lang ako. Huhuhu, so unfair.
"Bumaba ka na at kakain na!"
Since game over na naman ako sumunod na lang ako kay Mommy.
Naalala ko may utang nga pala sakin ang BUTIHIN kong kakambal.
Nadatnan ko siya sa salas na nagce-cellphone
"Hoy Kenjie, akin na bayad mo!"
Agad naman siyang nag-angat ng tingin at kamot-batok na ngumiwi sa akin. "Ha? Eh wala na eh!"
"Hayop ka talagang gago ka. Iniwan mo pa ko dun!"
Tumatawa na lang siya at tumakbo papuntang dinning area.
Hahabulin ko sana kaso kanina pa ko takbo ng takbo. Maging runner na lang kaya ako ng drugs? Char, bad iyon!
Nakanguso akong naglalakad papunta dun ng biglang nag-ring ang cell phone ko. Excited ko iyong sinagot dahil galing iyon sa kasamahan ko sa car racing.
"Hello?" Pabungad ko.
"(Keisha, may laban tayo)" oh! Sounds exciting!
"Kailan ba?" I refrain myself from giggling. I'm so excited.
"(Ngayon na.)"
"Ayos, sige sige punta na ko!"
Dali dali akong nagtext sa best friend kong si Mariel para gawan ng paraan na makatakas ako hahaha. She's a God sent dahil ilang sandali lamang ay humiyaw na si Mommy.
"Keisha pumunta ka daw kila Mariel may gagawin daw kayo!"
"Sige po Mommy!" I shouted back and giggles.
Nagmamadali akong tumakbo papuntang garahe. I'm so excited talaga!
Sinakyan ko ang maganda kong sports car at pinaandar.
Race Field, here I come!
NIGEL XANDRO LIM's POV
Anak ng...
Sa gwapo kong ito tatawagin akong MANONG?
Tsk! Sino ba 'tong babaeng kanina pa hampas ng hampas sa'kin.
"Tabi nga, sino ka ba?"
Nanlaki naman ang mata niya. OA lang?
"Ano ka ba Nigel, ako 'to si Lizel. Kakaumpisa pa lang natin magdate kagabi tapos di mo na ko kilala. Tapos–"
Hindi ko na siya pinakinggan dahil naglakad na ako paalis.
Sinakyan ko ang napaka cool kong sport car papaandarin ko na sana yun ng biglang tumunog ang cell phone ko.
"Oh?" Bored kong sagot.
"(Xandro, may laban tayo.)" Nakuha naman kaagad noon ang atensyon ko.
"Sinong kalaban?" Kahit nae-excite pinanatili kong kalmado ang boses ko.
"(You will never believe this. Hinamon namin ang TBR)" sabi niya at tumawa.
"Whoah, sige bro punta na ko!"
Binaba ko na ang tawag at agad pinaharutot ang kotse ko. Someone is getting a race now.
--
Ilang minuto lamang ang layo noon sa mall kanina kung saan sana ay may kikitain akong tao, kaso hindi ito dumating.
Bago bumaba ay nilibot ko na ang tingin ko sa kabuuan ng Race Field. Maraming tao. Hindi ko sila masisisi. This race will be a history. It's Rank #1 versus Rank #2.
Bumaba ako ng kotse at sinalubong ako ng mga kasama ko.
Meet my group. The Racer Princes, rank #2 in Racer's World
"Sup bro?" Bati sa akin ni Josh, ang piankamabait samin.
"Ano pre kamusta iyong chicx kagabi?" Nakangising tanong ni Liam, the womanizer.
Kinibitan ko lang sila ng balikat.
"Yow, bro!" Bati naman sa akin ni Kyle ang pinaka seryoso sa'min.
"Tigilan niyo na yan, nasan na ba ang TBR?" tanong ko at tumingin sa paligid.
Sakto namang sunod sunod na dumating anim na magagarang sports car.
MEET the rank #1 in Racer's World. The Badass Racer.
Sila ang pinaka mahigpit naming kalaban.
At ang isa pang kinaiinisan ko. BABAE ang leader nila at hindi ko pa siya nakikita kahit kailan.
Isa-isa silang naglabasan.
Mga cool, astig at gwapo naman sila kaso MAS ako.
"Kulang ata kayo?" Pansin ko. Ang alam ko kasi ay pito sila.
"Oo nga asan na ang leader niyo?" Kyle agreed and asked.
Ngumisi naman sila. Hindi ko alam kung pinag-practice-san nila iyon kasi sabay sabay iyon e.
"Just wait!" Cool na sabi nung blonde ang buhok.
Maya maya may pumaradang isang mamahalin at magarang sports car. Fine and well washed. Sobrang kintab noon at napaka-gandang tingnan.
Tumigil ito at bumaba ang isang matangkad at maputing babae.
Hindi pa ito masyadong nakaharap sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.
She is wearing a black short shorts, black sando with black leather jacket, black shades and black boots.
Hindi naman sya mahilig sa itim ano?
"Pre ang sexy!" Bulong sakin ni Liam.
Unti unting humarap samin ang babae at nilagay ang shades sa ulo.
Teka...
"IKAW?"
KEISHA LORRAINE RODRIGUEZ's POV
Pagbaba ko sa sasakyan malakas na hiyawan ang sumalubong sakin.
Nag-imbita pala sila ng mga audience.
"IKAW?!" sigaw nung lalaki tapos nakaturo sakin
Natahimik naman ang paligid.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
Sino ba itong gunggong na ito?
Nagsalita ng nagsalita pero di ko na siya pinakinggan.
"Oh, Mister! I don't talk to strangers!"
Hindi ko na siya pinansin at tumabi na lang sa mga kagrupo ko.
Meet my group: The Badass Racer
Yasser James Clingtton the childish one
Bryan Woods the serious one
Kim James Liecon the playboy
Mike Daryl Heiden the gadget lover
Harry Kim the exercise-butt (mahilig mag-exercise)
Zenrick Ceiiro Ai the jolly one
And of course Keisha Lorraine Rodriguez the Race Queen
Nag-usap usap na kami kung sino ang lalaban. Bago mag-umpisa ay nilapitan ako ng announcer at tinanong kung ano ang gusto ko kapag nanalo. He handed me a paper and I wrote something. Ngumiti siya sa akin at pinapirmahan iyon sa kabilang grupo. Napangisi na lamang ako ng pirmahan iyon noong lalaking humiyaw kanina ng hindi tinitingnan.
May 4 na round ang Car Racing game naming ito. Kaya tatlo ang hindi makakalaban sa amin.
"Okay, Racers get your butt in your cars, we will start the Round 1. The round 1 should be done with two laps. The faster you are, the more exciting the battle is!"
Naghiyawan ang mga tao ng sabihin yun ng announcer.
Pumasok si Bryan sa kotse niya ganun din ang kalaban niya na may pagkindat pa sakin.
Tsk.
Pumunta na ang isang babae sa pagitan ng kotse nina Bryan. Suot niya ang semi-bikini na black and white stripes. Ang sexy!
Iwigayway niya ang hawak nyang red flag, ipinakita niya iyon sa lahat. Nang sumipol ang horn ay dali-dali niya iyong hinulog.
Nag-umpisa na ang laban.
(Fast forward tayo)
Round 1 [2 laps]= Bryan wins (ayaw niya kasing natatalo)
Round 2 [3 laps with a semi-spiral field]= Yung kalaban ang nanalo, Josh ata ang pangalan. Inis na inis naman si Mike (first time niya kasing natalo)
Round 3 [4 laps with semi-spiral field]= Zenrick wins
"And for the last round, lalagyan natin ng twist!"
Bumulong ako sa mga kasamahan ko.
"Ako ang lalaban!" Sabi ko habang nakangisi.
"What?" Sabay sabay nilang sabi.
"Any prob?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
Ayaw kasi nila akong lumaban locally pang International daw kasi ako.
"We will use the spiral race field!" Masayang sigaw ng announcer
3rd PERSON POV
Sa side nila Nigel nagkakagulo silang apat.
"Ano ba mga pare? Ano bang nangyayari sa inyo. We got 2 loses na!" Inis na sabi ni Nigel.
"Bro ikaw na lumaban, ayoko sa spiral!" Sabi ni Josh.
"Ano pa bang magagawa ko?"
Tumingin si Nigel sa kabilang side.
Sino kayang makakalaban ko? Tanong niya sa isip niya.
Pumasok na siya sa kotse at pumunta na sa starting line.
Tumabi naman sa kanya ang isang itim na sports car na kanina lamang ay pinagpapantasyahan niya.
"Ikaw pala ang makakalaban ko!" Nakangising sabi ni Nigel.
Mukhang sure win na ako! Sabi ni Nigel.
Sa loob naman ng kotse ni Keisha, hindi matanggal ang ngisi ng dalaga..
She missed this spiral field.
Dito siya nagtraining bago sa isang oval na race field. Gamay na gamay niya ang bawat pag ikot sa isang spiral. Bawat post na dadaanan nila ng ilang segundo para icheck ang gulong ang pinaka gusto niya dahil nauuna ng bahagya ang kalaban niya pero mabilis niyang nahahabol.
Pinaandar na nilang pareho ang kani kanilang kotse. Parehas na nilang isinuot ang mga helmet na gagamitin. Required iyon lalo na't spiral field ang gagamitin.
May biglang namuo namang plano sa isip ni Nigel kaya napangisi syang muli.
"Manong pala ha!" Sabi niya at tinapakan ang gas paglagpak ng pulang tela .
Pagtingin niya side mirror ng kotse niya, wala doon ang kotse ng Racer Queen.
Tumingin siya sa unahan at nag-umpisa na ang pagkaka spiral nito.
Hindi sanay si Nigel sa ganitong daan pero confident sya na makakatapos siya dito at mauunahan niya ang Racer Queen.
3 bilog na lang at natatanaw na niya ang finish line.
"Asan na ba ang babaeng yun?" Tanong niya sa sarili habang mabilis pa din ang pagpapatakbo.
Umiikot na din ang tiyan niya. Masusuka na siya.
Sino bang hindi? Hindi ata bababa sa 50 spirals ang ginawa niya.
Nang makarating siya sa finish line nagulat siya. Nakaupo na kasi si Keisha sa harapan ng kotse niya.
"WHATTTT!" hiyaw niya sa loob ng kotse. Mabilis niyang inalis ang helmet.
Bumaba siya na pulang pula ang mukha.
"Ang bagal mo naman, kuya!" Nakangusong sabi ni Keisha
Napatingin naman si Nigel sa mga labi nitong nakanguso.
Parang inaanyayahan syang lumapit doon at halikan ito.
"At dahil talo ka, bibilhan mo ko ng maraming chocolate!" Sabi pa ng dalaga.
Nagtawanan naman ang nasa paligid
"What?!"
"Yeah nag sign ka sa agreement eh!"
NIGEL XANDRO LIM's POV
"Yeah nag sign ka ng agreement eh!"
What? Anong agreement?
Lumapit sakin si Ash at bumulong.
"Oo bro, nag sign ka ng papel kanina bago magstart!"
"What wala akong matandaan?"
"ITAGO NIYO NA ANG MGA KOTSE MAY MGA PULIS NA PAPARATING!" sigaw ng isang humahangos na lalaki.
Isa pang.... WHAT?
Illegal drag racing ba ito?
Nagulat ako ng biglang pinalubog ng TBR ang mga kotse nila sa lupa.
Tapos ganun din ang ginawa ng ilang oraganizer sa mga kotse namin.
Bigla ding naglaho ang race field.
"Whoah that was cool!" Bulong ni Kurt.
Lumapit sa akin yung babae at ngumisi.
"You sign the paper kuya. You'll be my slave!"
Isa pang....WHAT!
Kinuha niya ang papel na inaabot ng kasama nya at binigay sa akin. Kinuha ko naman yun at binasa.
Shit totoo nga!
"Umalis na kayo malapit na ang mga pulis!" Sabi pa nung isa.
Narinig na namin ang sirena ng pulis. Malapit na iyon.
Saan kami pupunta? Bakit kasi tinago nila yung mga kotse namin?
Nagulat ako ng biglang tumalon sa likod ko yung babae.
"Let's go Kuya. You'll run for the two of us!"
I was shock not by what she did but by what is happening in my heart.
Darn! It's beating so fast.