NICOLO LIM's POV Nakatalikod ako at nakatayo. Hawak-hawak ko ang isang wine glass. Nandito ako sa bagong underground dahil may nalaman ako. Kalilipat lang namin dahil yung dating underground ay under na ng pamahalaan. "Boss andito na po sila!" Sabi sakin ni Justine Humarap ako sa kanila. "Puro mga babae pa naman kayo nagawa pa ninyong trumaydor!" Sabi ko sa kanila. Nakayuko lang sila at hindi umimik. "Magkano ang binayad nila sa inyo para traydurin nyo ako?" Inis kong tanong. Isa-isa silang tumingin sakin ng may ngisi sa labi. "Lee? Pati ba naman ikaw?" Tanong "Yes, uncle! Mapakasama mo, hindi ako nagkamali ng kinampihan ko." Naka-cross arms nyang sabi. Naptaas ang kilay ko at napatawa "You made the very wrong choice, my dear. Trinaydor mo ko bakit?" Tiningnan nya ako sa mata.

