NIGEL XANDRO LIM's POV Nagising ako sa tumamang liwanag sa mukha ko. Napaupo ako sa kama ko at kinusot kusot ang mata. *tok-tok-tok Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may dalang tray ng pagkain at kasunod si Ate Jee na may dalang planggana? Bakit sya may dala noon? "Okay ka na ba anak?" Tanong ni Mommy. Nilapag muna nila ang dala nila sa side table bago umupo sa gilid ng kama ko. "Ayos lang po bakit po? Tsaka bat may dala kang planggana Ate?" Nagkatinginan sila. "Tatlong araw ka na kasing tulog at nilalagnat!" Sabi ni ate na may bahid na pag-aalala. "W-What? Anong nangyari?" Nagkatinginan uli sila bago tumayo si Mommy. "Kumain ka muna anak!" Sumunod na si Ate. Nginitian nya ako at hinawakan ang doorknob. "Bilisan mo kaumain may mga bisita ka sa baba!" "Bisita? Sino?"

