2.1

1492 Words
Hanggang kinabukasan ay palaisipan pa rin kay Linus ang engkwentro kahapon. Totoo kaya talagang witch siya? isip niya habang nakatingin sa maliit na botelya. Matapos niyang makitang wala na ang matanda, tumawid siya pabalik at hinanap ito. Baka kako nag-empake na dahil binigyan niya ng limang daan. Pero hindi niya nakita. Besides, ganoon lang ba talaga kabilis ligpitin ang paninda nito? Ilang segundo lang siyang tumalikod, ah? Napailing-iling na lang si Linus saka binulsa ang botelya. Hindi ito ang oras para isipin ang tungkol doon. Naka-duty kasi siya nang oras na iyon. May requirement kasing 150-hour hospitality service ang curriculum ng HRM department. Bale, magtratrabaho sila sa kahit anong establishment na pag-aaari ng school nila. He chose Maid of Orlean’s Cafe, na matatagpuan malapit sa department ng Architecture. Iyon ang pinili niya dahil mas gusto niyang maging barista kesa chef. Nasa gitna siya ng pagbe-brew ng coffee nang marinig niyang bumukas ang pinto. Agad siyang napatingin doon, dahilan para matigilan siya. Parang bumagal ang oras nang pumasok sa loob si Eirika. Napalunok si Linus habang hinahagod ng tingin ang babae. The way she moved was so graceful -- her body was straight, and she was brimming with confidence and elegance. Not to mention, ang ganda na naman ng ngiti nito nang batiin ng isang male crew na nagpupunas ng table. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa makalapit ito sa counter. Noon lang niya napagtanto na may kasama pala itong lalaki: ang pinsan nitong si Sylas Fortaleja na nasa huling taon na sa kursong architecture. “Bale, that’s three hundred fifty pesos,” sambit ng lalaki sa kaha. Hindi nakatakas sa paningin ni Linus ang pagkatorete nito. Halatang pati ito ay na-wonderstruck sa ganda ni Eirika. Agad namang nagbayad si Eirika. While waiting for her change, she looked at the donation box in front of the cash register. “Is this for the Maid of Orleans Foundation?” tanong nito sa kahero habang inabot ang sukli. “Ah, yes, Miss Eirika,” tugon ng lalaki. “Yung ampunan.” “I see.” Tumango-tango si Eirika saka hinulog ang mga sukli nito. “Wow, Eirika, ang galante, ha?” natatawang kumento ni Sylas. Gaya ng babae, maputi rin ito, matangos ang ilong at singkit. That made Linus envious again. Mukhang nasa lahi talaga ng mga Fortaleja ang maging physically attractive. “Hindi naman. I’m just sharing my blessings. Alam mo naman, we’re lucky kasi we came from a rich family, e. Everything is easy for us, unlike them,” mahabang paliwanag ni Eirika habang hinuhulog ang mga pera. “Anyway, it’s your turn to order na pala.” Umusog ito para si Sylas naman ang kausapin ng cashier. Then, Eirika looked at his direction. Kumislap ang mga mata nito nang makilala siya. “Hi, Kuya Linus!” Kumaway pa ito. Lumapit ito sa kanya. “Are you on duty?” Tumango siya. “That’s nice,” tugon nito saka ginala ang paningin sa kabuuan ng cafe. “I like this cafe. Ang ganda ng ambiance. I can’t wait to start my internship para ako naman ang mag-work dito.” She laughed softly. Hindi na naman maiwasan ni Linus ang mapangiti. Totoong maganda ang motif ng cafe. Vintage kasi ang tema niyon kaya shade ng dark wood at gray ang kalimitang ginamit na kulay tapos may mga nagkalat na drop lights na may dilaw na liwanag kaya cozy tingnan ang lugar. But none of those mattered for Linus. Dahil para sa kanya, si Eirika lang ang maganda sa paningin niya. He could stare at her face all day and would never get tired of it. Saktong natapos na si Sylas sa pag-order at lumapit sa kay Eirika. Tumingin din ito kay Linus at ngumiti saka niyaya ang pinsan na magtungo na sa table nila. “Friend mo?” narinig pa ni Linus na tanong ni Sylas sa babae habang palayo sila sa cashier. “Senior ko siya. Third year sa department namin,” tugon naman ni Eirika saka sila naupo ng pinsan nito sa isang bakanteng table hindi kalayuan. Napabuga na lang ng hangin si Linus. Wala. Hindi talaga siya naalala nito. Inabot na sa kanya ng cashier ang order ng magpinsan. Sylas ordered a hot espresso while Eirika opted for red velvet frappe. Frappe? Ang aga pa, ah? Pasado alas siete pa lang noon. Linus thought it was too early to consume something that sweet. Then he realized that he had the love potion in his pocket. Dali-dali niyang kinuha iyon pero agad ding itinago sa tagiliran ng mapagtantong nasa gilid lang pala niya ang cashier. Mabuti na lang, abala ito sa kaha kaya hindi siya napansin. Wow, perfect timing pala, isip pa niya nang makitang kulay pink ang kulay niyon. Kapag hinalo ko sa inumin niya, hindi niya mahahalata. Lumingon-lingon siya sa paligid. Dahil maaga pa, wala pa masyadong customer. Agad niyang sinimulan ang order ni Eirika. Then, he sneakily poured the potion on the blender, along with the other ingredient. Mabilis niyang tinago sa bulsa ang botelya saka tumingin-tingin muli sa paligid para makita kung may nakapansin. All clear. He turned the blender on and smirked. s**t, excited na ako. He secretly eyed Eirika. Masaya itong kausap ang pinsan. Walang kamuang-muang sa plano niya. Mapapasaakin ka rin Eirika! Sinalin na niya ang frappe sa plastic cup nito saka niya sinimulan ang kay Sylas. Once done, he called for the Fortalejas. Agad na tumayo si Sylas para kuhanin iyon. “Thank you, p’re,” sabi pa nito saka muling bumalik sa table nila ni Eirika. Wala nang ibang customer kaya nabakante na rin si Linus. Kaya naman tinuon na lang niya ang atensyon sa panonood sa sinisinta. Unfortunately, Eirika was too busy talking with her cousin that she didn’t drink her frappe right away, Shit, inumin mo na please? nakangiwing isip niya. Wag mo na akong paghintayin-- Kuminang ang mga mata niya nang hawakan na nito ang frappe at tinusok ang straw roon. Yes! Kulang na lang ay magtatalon siya habang pinapanood itong haluin ang frappe. Ngayon, iinumin na lang niya. Then, slowly, inilapit ni Eirika ang inumin sa bibig nito. Yes! Yes! Yes! Nang sandaling iyon ay nagpapawis na siya dahil sa paghahalo-halo ng nararamdaman. Anxiousness and excitement. Both of those were making him jitter. Hanggang sa isinubo na nga nito ang straw at-- “EIRIKA!!!!’ Nabulahaw ang lahat dahil sa biglang pagsigaw ng isang lalaki. Napatingin silang lahat mula sa lalaking humahangos na lumapit sa babaeng Fortaleja. Niyakap nito iyon nang mahigpit. “I miss you, Eirika,” sambit pa nito. “Grabe ka naman, Storm,” reklamo ni Eirika habang sapo ang dibdib. “Nakakagulat ka, ay.” Humagikhik naman ang lalaki saka inokyupa ang bakanteng silya sa kaliwa ni Eirika. “Hi, Sylas!” bati nito sa pinsan ng kaibigan. “Hello, Bagyo,” nakangising tugon naman ng lalaki. Linus knew that guy: Storm Maverick Montereal. Pareho silang third year HRM student pero hindi niya ito ka-close, palibhasa’y magkaiba sila ng block. To describe him, gwapong lalaki rin ito. Singkit, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Maputla ang kulay nito at may lean build. Linus heard that the Montereals have close ties with the Fortalejas. O diba? Lahat ng nakapaligid kay Eirika ay mga physically attractive at filthy rich. Napailing-iling na lang tuloy si Linus. Ngayon, nanliliit na naman siya sa sarili. Paano na lang mapapasakanya si Eirika? Pero di bale. Ngumisi siya. Kapag nainom niya ang potion, paniguradong magiging akin-- Napamaang na lang siya nang hawakan ni Storm ang frappe ni Eirika. “Huy, parang masarap ito, ah?” Ngumisi si Storm. And it was like a slow motion when he began sipping the frappe. “WAAAAAG!” hindi namalayan ni Linus na sigaw niya. Pinagtinginan tuloy siya ng lahat, kasama na si Storm na patuloy sa pagsipsip ng frappe. “Bakit, p’re?” nagtatakang tanong ng kahero. Umiling siya. “A… ano… uhm…” Dahil sa titig sa kanya, nag-mental block tuloy siya. “Magc-CR lang ako.” Agad siyang umalis sa station at gumawi papunta sa employee’s toilet na sa kabutihang palad ay palayo sa lugar nila Eirika. Pagpasok niya sa loob ng banyo, napasuntok-suntok na lang siya sa hangin saka marahas na napakamot ng ulo. “s**t naman. Bakit pa kasi kailangan pang dumating ni Storm?” bulong niya. Kaunti na lang sana’y mapapasakanya na ang babaeng ilan taon nang iniibig. Sa totoo nga lang, habang hinihintay niyang inumin iyon ni Eirika, naiisip na niya kung ano ang mga pwede nilang pagsaluhan sa hinaharap. He dreamed of going on a cinema date with her. O kaya nama’y island hopping habang sakay ng private yatch ng papa niya? Or maybe they could go simple: simpleng Netflix and Chill lang sa unit niya habang magkayakap sila at may nakatalukbong na comforter sa mga katawan nila. But now, Storm ruined his plan. Napahilamos na lang siya ng mukha, Jackpot na, naging bato pa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD