Chapter 4

3107 Words
(Cleo’s POV)     Napatanaw na lang akong muli sa mataas na building na pakay namin ni Phoenix habang nagpa-park siya ng sasakyan niya sa parking lot. Kung tutuusin sa edad niya ay marami na siyang na-accomplish ayon sa mga articles and magazines na mga nabasa ko dati, at pati ang apat niyang mga kasama ay ganoon din.   They are all freaking wealthy, 25 years old pa lang sila niyan, pano pa kaya kung umedad sila ng 30? 40? hindi bat mas yayaman pa sila noon? And this ruthless billionaire? He makes his own name in the industry aside from being a Delacroix.   I’ve never been here before, ito ang unang pagkakataon na tatapak ako rito. Kahit noong kami pa ay hindi ko naranasan na tumapak dito, marahil ay dahil narin sa busy kami pareho sa magkaibang bagay. Teka nga? Bakit ba inaalala ko na naman ang nakaraan?   Bumaba agad ako sa kotse pagkatapos na magparada ni Phoenix, ayoko na siyang makasama sa loob dahil pakiramdam ko ay napaka-sikip ng sasakyan niya para sa aming dalawa.   “Just follow me.”   He said to me saka niya ako sandaling sinulyapan saka siya naunang maglakad kaya sumunod na lang kaagad ako. Siguro naisip niya rin na ngayon pa lang ako nakapunta dito kaya niya nasabi yun. What the hell? Paano mo naman naisip Cleo na iniisip niya yun? Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na naman ang sarili ko, what the fvck?   Napabuntunghininga na lang ako saka ako dumiretso ng tingin at hindi ko na iginala ang paningin ko sa paligid, makakabisado ko din naman ang lugar na ito pagtagal. Isa pa ay hindi naman gala ang ipinunta ko rito at for sure ay palagi lang ako sa office ng amo ko. Habang naglalakad na kami papasok ng building ay may lumapit agad sa aming lalaki kaya napalingon agad ako sa kanya.   “She’s my P.A John, give my schedule to her, she will be holding that from now on.”   Ngumiti lang ang lalaki sa akin ng sabihin iyon ni Phoenix sa kanya at napakunot lang naman ang noo ko dahil hindi niya ako ipinakilala sa lalaki. I mean hindi man lang niya sinabi ang pangalan ko sa lalaki, baliw din talaga ang isang to eh. Marahil ay secretary niya ito, hindi narin kasi ito nagtanong at sumabay na lang sa amin sa paglalakad, siguro matagal na siyang nagtatrabaho kay Phoenix at sanay na siya dito.   Ano naman kayang mangyayari sa akin ngayon dito sa bago kong trabaho? Lalo na ngayong kasama ko ang damuho na to? Sa totoo lang ay parang gusto ko ng hilahin ang araw para mag-pasukan na agad at ng makabalik na ako sa resto. Mas gugustuhin ko pa rin namang doon mag-trabaho kaysa makasama ang damuho na ito ano.   Ilang minuto din ang ginugol namin sa paglalakad and John started telling me anything that I wanted to know habang naglalakad pa lang kami, wala din namang pakialam si Phoenix kaya nagtanong na lang din ako hanggang sa makaakyat kami sa mismong office niya, pero sandali lang din ako sa loob dahil itinuloy na namin ni John ang training.   Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa opisina ni Phoenix ng matapos kami ni John sa orientation, halos isang oras din akong tinuruan ni John sa mga bagay bagay tungkol sa trabaho namin para sa amo nya at siguro naman ay kaya ko na tong gawin ngayon, isa pa ay mas pabor siguro kung maiinis siya sa akin at ng makabalik na ako sa resto.   Paglapit ko sa kanya pagpasok na pagpasok ko ay hindi man lang siya nag-angat ng tingin para tingnan ako, marahil narin siguro sa dami ng pipirmahan niya na naka-tambak ngayon sa mesa niya.   “Sir? Any minute by now magsisimula na ang meeting niyo with the board.”   Dahil sa sinabi ko ay napatunghay siya sa akin at tiningnan ko lang din naman siya, maya maya ay napakunot ang noo niya sa hindi ko malamang kadahilanan.   “What about my other schedule for today?”   Tanong niya na parang nagtataka pa sa akin, nagtataka marahil siya dahil isang sched pa lang ang sinasabi ko sa kanya.   “I’ll notify you about the other things you will be doing an hour before the said schedule so you won't worry too much for the loaded works, and let me get these papers that you are done first and ill distribute this for now, stop that and start your meeting.”   Matagal na napatitig sa akin si Phoenix saka ilang beses na kumurap, at napakunot lang naman ang noo ko dahil doon. Hindi ko alam kung ano bang nakain niya ngayon, baka naman naisip niya na kaya ko palang magsalita ulit ng mahaba kapag kausap ko siya, tsk.   Kaya ko naman, kaya lang kapag nonsense na ang pinaguusapan hindi ako nag-aaksaya ng laway para doon. Bahala na nga siya, kinuha ko na lang ang mga folders na tapos na niyang pirmahan at saka ko iyon isa-isang tiningnan, schedule pa lang kasi ang nakatoka na gagawin ko ngayon pero susubukan ko naring gawin ang iba, para naman masanay na ako.   “Sir, let's go?”   Mayamaya ay pukaw atensyon ng nagbukas ng pinto kaya napalingon kami sa pumasok na si John. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko yun pinansin at itinuloy ko na lang muli ang pagtingin sa mga folders. Tumayo agad si Phoenix at kumilos para makapunta na sa meeting niya, naiwan naman ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko saka ko ibinigay ang mga papers na napirmahan na ni Phoenix sa ibat ibang department na pinanggalingan nito, inuna ko narin yung may kaylangan ng urgent papers.   “Hi?”   Napalingon ako sa mga nagsalita hindi kalayuan sa akin dahil sinalubong nila ako, napakunot din ang noo ko dahil doon, sila yung mga hinatiran ko ng papeles kanina.   “Kung may kaylangan pa kayong papers na hindi ko pa naibibigay ay siguradong nasa loob pa yun.”   Tanging sabi ko saka ako nagtangkang umiwas pero lalo lang silang humarang sa daraanan ko.   “I’m James.”   Anang lalaki na nagtangka pang makipag-kamay sa akin pero hindi ko naman iyon pinansin, tiningnan ko lang sila dahil sa pagharang nila sa akin.   “Guys? She’s just a mere secretary, come on?”   Iritadong sabi ng isang babae sa kanila ng makita nila kami kaya napalingon ako doon, to find her glaring at me. The girl on the marketing department na kasamahan ng mga ito, kanina pang masama ang tingin niya sa akin kaya natatandaan ko siya.   “Personal Assistant ako ni Mr. Delacroix, not Secretary.”   Paglilinaw ko sa kanya na lalong ikinakunot ng noo niya.   “P.A my ass, Proud ka pa na P.A ka lang?”   Pagpapatuloy niya saka ako tinaasan ng kilay, she even cross her arms at bahagya namang lumayo sa akin ang dalawang lalaking humarang sa akin at hinayaan siya na lapitan ako.   “Why wouldn't I? I mean I am Mr. Delacroix’s Personal Assistant, can you imagine that? It's more personal than his Secretary, and besides Is being P.A isn't a decent job?”   I then heard loud gossips around us ng sabihin ko iyon sa kanya, I even heard the men beside her saying ‘whoah’ tiningnan niya lang naman ako lalo ng masama and I don’t give a damn giving her care.   Wala akong ginagawa sa kanila, bakit ko sila pangingilagan? Besides hindi naman sila ang amo ko. Napalingon din ako sa kanan niya ng bigla siyang lumingon doon at tiningnan niya ang lalaking may hawak na maraming papeles na dadaan sana sa tabi niya, hinarang niya yon saka niya kinuha ang mga papel na dala nito.   “Oh? Ipa-xerox mo lahat yan, tutal feeling mas mataas ka naman sa amin.”   Lalong lumakas ang kanina pang bulong-bulungan at tawanan. Habang natatawa lang naman ang mga lalaking kanina pa nakaharang sa harapan ko. I just look at her at ibinagsak ko sa harapan niya ang mga papel saka ko siya nginisian.   “Iutos mo yan sa akin kapag si Mr. Delacroix ka na, coz you know? I am here for him and not for you, go try to tell him. Let’s see if he will give a damn, baka nga ikaw pa ang tanggalin niya sa trabaho.”   Sinipa ko pa ang mga papeles para lalong kumalat saka ko siya tiningnan ng masama, lalo namang nanlaki ang mga mata niya at natigilan sa pagtawa ang mga lalaking katabi niya.   “Hindi tataas ang position niyo sa pambu-bully ng mga baguhan na tulad ko, hindi din tataas ang sweldo niyo dyan, kung sa tingin niyo ay nakatataas na kayo kapag may napapasunod na kayong baguhan think again, may mga katulad ko pa rin na walang pakialam sa mga tulad niyong kulang sa pansin at mayayabang.”   Muli kong sabi sa kanila saka ko sila tiningnan ng masama at saka ko sila tinalikuran.   “Whoah!”   Hiyawan lalo ng mga nakiki-usyosong tao sa amin bago ako tuluyang maka-alis, tsk. Kaylan ba ako magsisimula sa trabaho na wala akong nakaka-away? Parang ganito din noon sa resto.   Bumalik na lang agad ako sa office ni Phoenix dahil baka mamaya ay hanapin na niya ako, mahirap na baka imbis na tahimik ang mundo ko ay mainis na naman ako sa kanya.   Pagdating ko sa office niya ay saktong may tumawag kaya inasikaso ko na lang din muna ang mga company calls at hindi na inisip ang nangyari kanina.             (Ava’s POV)     “Kamusta?”   Tanong ko kay Hunter ng makapasok na siya sa Hideout namin, nandito narin si Killian at Massi at si Phoenix na lang ang wala kaya siya na lang ang hinihintay namin. Galing din kami sa kanya-kanyang trabaho, at usually ay dito ang diretso namin kapag hapon na bago kami umuwi sa bahay ni Phoenix.   Simula nung umuwi kami dito sa pilipinas ay ganito na ang gawain namin, siguro mga isang buwan narin kaming naririto.   “Mukang wala namang espesyal.”   Natawa lang ako kay Hunter sa isinagot niya sa akin, wala naman talaga kayong makikitang espesyal sa kanya dahil hindi niyo yun basta basta makikita.   “Baka naman kasi ibang kaba na ang nararamdaman ni Phoenix dyan kay Cleo.”   Nagtawanan kami sa sinabi ni Killian, frustrated ang tono niya at halatang naiinis dahil wala ding nangyari sa pagi-imbestiga nila.   “Ewan ko nga ba sa mokong na yun, kahit si Tita ay wala namang na-I-kwento sa akin na kakaiba sa kanya maliban na lang sa matalino at maganda siya which is visible naman, ano pa bang kaylangan niyang patunay? Tsk.”   Dagdag ko sa usapan na ikinatawa lang din nila. Napapailing na lang ang mga kasama ko sa usapan namin, kilala naman siya ni Phoenix, alam ko naman yun, ano kayang klaseng impormasyon pa ang gusto niya?   Napakunot ang noo ko ng mayamaya ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad yun sa bulsa ko at binasa ang message.   ‘Go home, I won't go there, This girl slept on my car wake her up’   Bigla akong natawa sa text ni Phoenix na ikinalingon sa akin ng mga kasama ko na halatang nagtataka pa.   “Come on let's go, Hindi makakarating si Phoenix, umuwi na raw tayo.”   Natatawa ko paring sabi saka ako naunang tumayo sa kanila saka ako dali-daling lumabas sa hideout.             (Cleo’s POV)       Napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin ng marahan, dahan-dahan din akong nagmulat ng mata ng maramdaman kong hindi iyon tumigil. Sino ba naman kasing matutuwa kapag ginugulo ka sa pagtulog mo?   “Hi?”   Bungad sa akin ni Ava kaya nanlaki ang mata ko saka ako nagikot ng tingin, Fvck, nakatulog pala ako. s**t! Nakatulog ako sa kotse ni Phoenix, what the hell?   “New reaction huh? Its okay wala na siya nasa loob na, pumasok ka na para naman makapagpahinga ka na.”   Nginisian ako ni Ava saka siya umalis sa pinto para makababa ako, agad kong naihilamos ang kamay ko sa muka ko bago bumaba. Fvck, nakakahiya talaga.   Bumaba na lang kaagad ako saka ako naginat at tinawanan lang naman ako ni Ava. Office works are more than stressing and tiring than my recent job.   “Tired?”   Tanong ni Ava habang naglalakad kami papasok ng bahay, tumango lang naman ako sa kanya. Tsk. Tapos ganito ako hanggang sa magsimula na ang klase? What the hell?   Pagpasok namin sa loob ay naabutan lang namin silang lahat sa sala, nakatingin sila sa amin ni Ava habang si Phoenix naman ay naka-upo lang sa couch na nakatalikod sa may daan papasok kaya yung tatlo lang ang nakita kong nakatingin sa amin.   “How's the first day? Napagod ka ba?”   Tanong agad ni Hunter na nakangiti sa akin, kung alam niya lang talaga.   “Napagod yang makipag-away.”   Nilingon ako ni Phoenix na masamang masama ang tingin sa akin. Nginisian ko lang din naman siya, alam niya na pala? Siguro ay may nagsumbong sa kanya.   “Oh? That one? Yeah, I did wait? Am I wrong? I thought I was supposed to be just your P.A and just obey you gaya ng sinasabi mo? My bad Phoenix Wren Dewei Delacroix.”   I saw how shock he was to what I have said then it turns a deadly glare kaya lalo akong napangisi.   “You Cat!”   Hiyaw niya na hindi ko na ikinagulat, wala na akong ikagugulat sa kanya, kilalang kilala ko na siya.   “What? Yun ang sabi mo kahapon, narinig din naman nila yun no.”   Sagot ko saka ko itinuro ang mga kasama ko na agad na napaayos ng upo at ikinubli ang mga tawa na kanina pa nilang pinipigilan. Lalong tumalim ang mga tingin niya sa akin and I just didn’t care at all, I guess nanalo ako ngayong araw.   “I’ll order foods, you know I’m tired and I’ll just rest and I’m not going with you tomorrow, okay? you know school matters, nakasaad naman yun sa contract.” Tinawanan ko siya ng mahina para lalo siyang asarin saka ako pumunta sa kusina at kumuha ng tatlong bote ng beer at ng inumin.   “Gusto mo ba?”   Tanong ko ng maabutan ko siyang nakatingin lang sa akin paglabas ko ng kusina, pero lalo lang namang tumalim ang tingin niya sa akin, kaya tiningnan ko lang din siya ng masama saka ako lumakad papasok sa kwarto ko. Dapat lang iyon sa kanya para naman maramdaman niya ring bwisit siya.   Pagpasok ko sa kwarto ko ay inilapag ko lang ang mga dala ko at ang bag ko sa side table ng kama ko, saka ko kinuha ang phone ko para umorder ng pagkain nila. Ipinangalan ko na lang din sa kanya ang mga inorder ko para siya narin ang magbayad. Matapos noon ay nagbihis narin agad ako saka ako naupo sa dulo ng kama ko pagkatapos, saka ko kinuha ang isang bote ng beer na dala ko, this is fvck, I’m tired.   Napatitig ako hawak kong bote ng beer ng maalala ko na allergy nga pala ako sa alak, bakit ba ito ang kinuha ko sa kusina? Wala naman kasing makakain sa ref na yun. Mayayaman nga sila pero hindi man lang sila marunong mag-grocery, tsk. Ibinaba ko na lang ang alak sa table saka ako napabuntunghininga. Maya maya ay napakunot ang noo ko ng tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko agad ang text na pumasok.   ‘Get your food here.’   Text ng unregistered number sa akin kaya kunot noo akong lumabas, iba ang number na ito sa gamit ni Phoenix na pantext sa akin, baka kay Ava yun. Nagsuot na lang ako ng malaking jacket dahil naka-short lang ako saka ako lumabas, nakita ko naman agad sila sa sala kaya dun na ako dumiretso.   “What do you want to eat?”   Tanong ni Ava sa akin kaya lumapit agad ako sa kanya saka ako kumuha ng pagkain na kakainin ko, saka ako naupo sa tabi niya.   “Anong gagawin mo sa school bukas?”   Napakunot ang noo ko sa tanong ni Ava sa akin.   “Yayayain pa naman sana kita bukas kaya lang ay aalis ka naman.”   Dagdag niya sa tanong niya.   “Orientation ng mga graduating students bukas.”   Napatango lang siya sa sagot ko sa kanya.   “Graduating ka na ba?”   Tumango lang din naman ako sa kanya. “SSC President din ako kaya kaylangan kong pumunta, kung gusto mo samahan mo muna ako bago kita samahan.”   Natawa lang siya sa sinabi ko ang I just laugh also.   “Ohh! New reaction again.”   Sinimangutan ko siya ng sabihin niya iyon at lalo naman siyang natawa sa akin.   “Dun na lang tayo sa kwarto mo? Dun tayo mag-kwentuhan para naman hindi sila kasali.”   Napangisi na lang ako sa kalokohan niya saka ko kinuha ang isang lalagyan ng chicken wings at kinuha naman niya ang isang box ng pizza.   “Maghanap din kaya tayo ng boyfriend?”   Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ava saka ako malakas na natawa.   “What the hell? Edi baka bangkay na tayong uuwi bukas kapag nakita tayo ni Tita.”   Gulat na gulat kong sabi sa kanya saka ako lalong natawa ang she did the same hanggang sa makapasok kami sa loob ng kwarto ko, agad kong inayos ang pagkain namin at binuksan naman agad niya ang TV, manonood siguro siya, mayamaya lang din naman ay namili narin siya ng panonoorin namin.   “Halika na?”   Yaya niya sa akin habang nasa tapat siya ng TV, kaya naupo na lang din ako sa katapat na upuan ng sa kanya saka ako nagsimulang kumain habang nanonood.   “Wag ka ng mahiya sa akin ha? Ibinilin ka naman sa akin ni Tita, ako na ang bahala sayo wag ka ng mag-alala.”   Bigla akong napatigil sa sinabi niya saka ako napatingin sa kanya mula sa panonood habang kumakain, to find her looking at me also. This is fvck. Maybe she said it already to her.   “It’s safe with me Hell, and I’ll help you don’t worry.”   Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa buo kong katawan ng maya maya ay sabihin niya iyon. This is not a good idea. Talagang sinabi niya kay Ava ang tungkol sa akin, alam narin kaya ng iba? Sino kayang nagsabi sa kanya? Si Phoenix ba o si Tita Wynona?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD