SAF'S POV Hindi ko talaga ine-expect na makikita ko si Al after 2 years. And talagang nagulat ako especially nang niyakap at hinalikan niya ako. Alam mo 'yung para kang nabunutan ng tinik? Gano'n. Hindi ko na tuloy napansin masyado si Adam. "Hey.." sabi niya sa akin habang traffic sa EDSA. Napatingin naman ako at-- "Yes?" tanong ko na nakangiti. "Mukhang masaya ka ah?" sabi niya. Siguro? Hehe. Umiling naman ako pero nakangiti pa rin. "Umamin ka nga. Natutuwa ka 'no?" sabi niya pero halata mong hindi siya nakikituwa sa akin. Bakit kaya? Umiling ulit ako. "Iling naman 'to nang iling," sabi niya. Ngumiti na lang ako sign na natutuwa nga ako. Nagpatuloy na lang siya sa pagda-drive at wala na kaming naging kibuan. Nang makarating sa condo unit niya ay... Naupo ako sa couch a

