SAF'S POV Alam mo ba ‘yong pagod ka? Ganoon ang nararamdaman ko ngayon habang nakahiga sa kama ko. Hinintay kong pumasok si Adam kaso wala pa din siya kaya naman kinuha ko na lang ang towel ko at lumabas ulit ng kwarto. Paglabas ko ay wala na siya sa salas kung saan ko siya iniwan. Nako! Saan naman kaya nagpunta ‘yon? Baka naman umuwi na? Tiningnan ko ang kotse niya sa labas at nandoon naman pero bakit wala siya? Hahanapin ko pa sana siya pero nag-decide na lang akong mag-shower na kasi naiinitan na din ako. Pumasok na ako sa banyo. Actually kung tatanungin ninyo ako sa nagawa ko kanina eh wala naman akong ibang isasagot sa inyo kundi ewan eh. Kasi hindi ko talaga din alam kung bakit ko nasabi ‘yon pero nangyari na eh at good thing din dahil wala

