"Pumunta ka dito sa Condo."
Tama ba ako nang nababasa? Inulit ko ulit na basahin yung sinend niyang message pero hindi naman nagbago.
Pero sigurado ba siyang saakin niya talaga isesend yung message na yon? Hindi ba siya na-wrong sent?!
A few minutes later.. Hindi na ako ulit nakatanggap ng new message from him.
So totoo nga na pinapupunta niya ako don sa Unit niya? Omg! Bakit?
"Pareho pa kaming bata, Marami pa akong pangarap sa buhay para mangyari yon. Kakakilala lang namin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa pagitan namin.. Attorney August Jeremy Monteverde, I'm not ready for this, Please! Huw----"
"Hoy, Lorina anong sinasabi mo diyan? Anong marami pa akong pangarap?! Ha?"
Nagulat naman ako nang biglang sumulpot itong Nanay ko sa kuwarto ko.
"Ah e.. Momsie n-nandiyan ka pala. Kanina ka pa po dyan?" Nauutal-utal ko pang tanong sa kanya. Para akong nahuli sa kasalang hindi ko naman talaga ginawa.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Ano yon, Ano yun!" Nakakunot pa ang Noo niya saakin.
"Ah e.. Ano po kasi.. Script yon. Script namin for school play. Oo. May play kasi kami sa School. Oo tama may play kami. Pinapractice ko lang yung lines ko." Nakangiti ko pang sabi. Pero kinakabahan na.
"Ahh! Akala ko naman kung ano na ang nangyayari sayo diyan! O sige na.. Bihis na bihis ka pa. Saan ka ba pupunta?" Myghaad! Buti na lang naniwala siya sa Kasinungalingan ko. Nakakahiya talagaa!
"Ahm, Makikipagkita po ako kay Aattorney August. May kailangan po kaming pag-usapan." Paliwanag ko sa kanya.
"Ahh.. Ganon ba? O sige mag-iingat ka ha? Balitaan mo ako. Kung anong mapag-uusapan ninyo"
"Okay po, Sige. Alis na po ako."
Paalam ko.
Susko, Genesis.. Kumalma ka nga! Kung anu-ano ang pumapasok sa utak mo. Ano pa bang ibang puwedeng maging rason kung bakit ka niya papupuntahin sa Condo niya? Remember.. Attorney niyo na siya. Tinutulungan niya kayo sa probleman ninyo. Hindi yung kung anu-anong bagay ang sinasabi mo diyan!
Kalma lang, Self!
*** ***
Nakalabas na ako nitong bahay. Nag-lakad ako nang kaunti hanggang sa makalabas ako nitong kalye namin para mag-abang nang Taxi na puwede kong sakyan.
Sandali.. Hindi ko nga pala kabisado yung Address niya. Itetext ko na lang siya.
"Ahm.. Attorney August itatanong ko lang sana yung address mo? Thank you."
Marami na ang nag-daang Taxi dito mula sa kinatatayuan kong parang Waiting shed pero hanggang ngayon wala pa rin akong reply na natatanggap galing sa kanya.
Kaya naman I decide to contact him through call dahil hindi pa rin siya nag-rereply sa Text message ko.
Calling August ..
Ring lang ring yung phone niya pero walang sumasagot. Ano ba to?! Hindi ko tuloy mawari kung totoo ba talagang pinapupunta niya ako don o ano.
Sinubukan ko uli siyang tawagan.
Then ..
"What?" Hindi man lang marunong mag-Hello?
"Nag-text ako sayo kanina, Tatanong ko lang sana kung ano yung exact Address mo. Hindi ko kasi alam." Diretsong sabi ko rito
"Yun lang?" Maiksing sabi niya. Bakit parang disappointed siya?
"I'll text it to you." - Aniya saka na nito agad ibinaba ang tawag.
After niyang itext saakin yung eksaktong address niya. Agad na rin akong nakakuha ng Taxi na sasakyan ko.
"Saan po tayo, Ma'am?" Tanong noong Driver pag-upo na pag-upo ko.
"Sierra Place Condiminium sa Maginhawa Teachers village, sa Quezon city po." Sabi ko doon sa Driver.
"Okay po."
Habang binabagtas namin yung way palabas nitong Manila. Nakatulala lang ako sa bintana.
Pinapanuod yung ilang mga tao na tumatawid at mga sasakyang nag-sasakay at nag-bababa rin nang mga Pasahero.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip nanaman yung problema namin, kahit na alam ko sa sarili kong maaayos rin ang lahat!
I wonder.. Nasaan na kaya yung Tatay ko? Sana buhay pa siya. Naiisip niya kaya kami or naaalala man lang kahit na minsan? Kung buhay pa kaya siya.. Maisip niya sana kami. Sumagi sa isip niya na may Anak siyang nag-hihintay makita at makilala siya.
Kahit makilala ko lang siya ganon. Masabi ko lang din sa sarili ko na may Tatay ako. At pag nakita ko siya..
I will thank him. Kasi binuhay nila ako ni Momsie. Dahil lumaki ako ng maayos at mayroong pangarap sa buhay! Tatanungin ko siya kung anong nangyari. Bakit niya kami iniwan. O kung anong dahilan kung bakit sila nag-kahiwalay ng Nanay ko. Pero hindi ako mag-tatanim ng Sama ng loob sa kanya. Kung nabubuhay pa siya.. Marami akong gustong malaman at itanong sa kanya.
Hayy.. Sana nasa maayos na kalagayan yung Tatay ko. Sana okay siya. Sana masaya siya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang mga ilang tanong sa isip ko..
*** ***
Nag-stop na si Kuya sa tapat ng Isang mataas at malaking building.
"Sierra Place Condiminium"
"Nandito na po tayo, Ma'am!"
"Ito pong bayad, Kuya. Salamat po!" Bumaba na ako nitong Taxi. At agad na pumasok sa Entrance noong Place.
Nanggaling na ako dito last time na hinatid ko si August noong galing siyang Bar.
"Magandang tanghali po, Ma'am!" Bati saakin noong Security Guard na malapit sa Entrance nitong Place.
Dumiretso na ako agad doon sa Reception Area nitong Building.
"Excuse me. Ahm.. Miss., Pinapupunta ako ni Attorney August rito. Ako yung inaasahan niyang bisita niya." Sabi ko roon sa Receptionist na babae.
"Okay, Ma'am. May I know saang Unit po?" Tanong nito. Buti na lang kasama sa Address na itinext sakin ni August kanina yung Room unit niya.
"Unit 602" Sabi ko.
"Okay, Ma'am. Turn right na lang po for Elevator and Stairs. Thank you po!"
Okay. Sige. Mag-eelevator ako today. Bilang may nakita naman akong paakyat at pasakay rin naman. Hay.. Bakit ba kasi nasa 6th floor ang Unit niya?
Pumasok na ako nitong Elevator. Nang ngitian ako ng Isang lalaki mula sa loob.
Napakunot ang Noo ko. At the same time na-weirduhan sa kanya.
Mag-kakilala ba kami? Tinignan ko siya ulit pero hindi ko masyadong matandaan kung saan ko siya nakita.
"Good noon, Ma'am" Aniya. Hindi ko siya pinansin. Baka hindi naman kasi ako yung sinasabihan niya.
"Hindi niyo po ako naaalala?" Nag-salita siya ulit. This time pinansin ko na siya.
"Po?" Yun na lamang ang nasabi ko sa kanya.
"Teka, Sir Ikaw ba yung lalaking tumulong saamin dito diba? Noong nakaraan? Oo, ikaw nga yon. Tama?" Ngumiti siya bago tuluyang mag-salita.
"Opo, Ma'am. Ako nga po! Akala ko hindi niyo na ako maaalala e. Ano Ma'am.. Kumusta si Sir? Boyfriend niyo na po ba?'' Nasamid akong bigla sa sinabi niya.
Teka lang, Kuya ah? Ano?
"Po?"
"Wala po." Aniya saka ngumiti nang nakakaloko. Hay nako! Hindi naman siya masyadong Chismoso no?
"Ay okay po." Sabi ko na lang at bumaba nang mag-stop na itong Elevator sa 6th floor.
Hindi ba masyadong madaldal yung lalaking yon. Nakakaloka!
----- ------ ----- ------
Nandito na ako ngayon sa harapan ng Pinto ni August. Huminga pa ako ng malalim bago ko tuluyang pindutin yung Door bell niya.
Hinihintay ko na lang na pag-buksan niya ako. Pero walang nag-bukas. Kaya naman pinindot ko ulit ng isa pa yung Door bell.
Hindi ko sinasadyang maitulak yung pinto nang biglang yong bumukas. Teka.. Hindi nakalock?
Kinatok ko na muna yung pinto niya saka ako nag-paalam na papasok na. Since open naman pala yung Pinto niya.
Hindi ba masyado siyang tiwala na bukas itong Door niya?
"August. Nakabukas na yung Pinto ng Unit mo. Papasok na ako ha?"
Pero hindi ko pa rin siya naririnig na sumasagot.
Nakarating ako doon sa Pinaka Salas. Ang bango ah? Infairness. Pinag-handaan niya ba yung pagdating ko? Ang linis niya sa Bahay.
Naupo at nag-hintay na lang muna ako dito sa Couch niya. Antayin ko na lang siguro siya na lumabas dito.
Lumipas ang ilang minuto. Na-curious ako kaya tumayo na muna ako mula sa pag-kakaupo ko. Sinisilip silip ko mula rito yung Kitchen niya at yung Dining area nitong place. Baka sakaling nandoon siya.
Naka-close naman yung isang pinto mula dito sa tapat ng salas niya. Kuwarto ata yon.
"Hey, What are you doing there?" Napalingon ako doon sa boses ng isang lalaki na nag-salita.
Bumuluga sa harapan ko ang Pandesal este si August mismo na half naked. Basa ang buhok. At nakatapis lang ng tuwalya.
Nako, Ano ba itong nakikita ko? May pandesal! Teka Ano ba yan Lorina Genesis. Umayos-ayos ka nga diyan.
Grabe yung build nang katawan niya. Ang sexy. Yes, Sexy ang perfect definition para sa kanya.
1,2,3,4 .. Omg 8 packs! Ang gwapo tapos maganda ang katawan. Totoo kaya talaga tong nakikita ko? O isa Hallucination ko nanaman! Ayoko na pleasee. Accck!
Kanina pa ako Literal na nakanganga dito. Nang bigla siyang lumapit sakin at isinara ang bibig ko.
"Laway mo, Baka tumulo!" Aniya. Hoyy, grabe.
''Ah e.. Ano nandiyan kana pala?" Napaayos ako ng tayo ko at kunwaring Inayos ang ilang gamit na nasa Table niya.
"Pasensya ka na ah? Medyo nacurious lang ako sa mga bagay dito." Palusot ko.
"Sorry for keep you waiting. Sandali lang.. Magbibihis lang ako." Aniya at pumasok na doon sa isang pinto.
Oh my ghaaaad! Feeling ko tuloy ang init init na nang buong mukha ko. Limot ba siyang babae ako? At parang normal lang sa kanya na makita ko siya sa ganoong sitwasyon?
Girl, Stop. Huwag kang assuming!
Shems lang! Sinasadya niya bang ipakita sakin na ganon siya. O sadyang wala lang siyang pakielam sa existence ko?
My ghaad! August Jeremy, Why you're so mean to me?
"Ms.Talina"
"What?" Teka napapa-what na rin ako. Ano ba!
"Have a sit. Pasensya ka na at dito pa kita pinapunta. Later after this kasi duduty ako sa Law firm. At baka hindi na ako makapag-set ng Time to meet you. Kaya dito na lang tayo mag-usap muna. Sa susunod.. Hayaan mo mag-siset ako ng magandang time for our meeting next time! Medyo busy lang ako for this week." Aniya habang nag-papaliwanag saakin ng diretso. Ako naman e tumango na lang sa mga sinasabi niya.
"So aware ka naman, Kung bakit kita pinapunta dito. Hindi ba?" Tanong niya.
"O-oo naman." Nauutal ko pang sagot sa kanya.
"We need to set an Appointment and set a schedule sa Trial court. Kasama yung Nanay mo same with your Witnesses. Makakatulong yang mga Witness para mapatunayan nating kayo ang legal na may ari ng Lupa na kinatatayuan ng Bahay na tinitirhan ninyo, bukod doon sa mga importanteng dokumento na ipapakita natin. But before that kailangan nating mailatag ng maayos yung mga Proof of evidence ninyo laban doon sa Taong nag-sasabing puwede kayong paalisin dahil may gagawin silang project sa buong lugar ninyo." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi at mga paliwanag niya.
"Regarding to that person under the Private project construction na kumakausap sainyo. Kailangan kong makita yung papeles na patunay na may rights sila para mag-construct ng Building project sa lugar ninyo. We need to see if their documents are legal or not. Kung talagang may right or karapatan silang mag-tayo nang Building structure sa place at pag-mamay ari ninyo na sinasabi nilang sakop ng proyektong gagawin nila." Dagdag nito sa mga sinabi niya kanina.
"Teka, Maitanong ko lang. Asan nga pala yung tatay mo?" Biglang tanong nito.
"Wala na kaming balita tungkol sa kanya. Hindi ko rin siya nakilala, ever since noong bata pa ako" Nakangiti kong sabi sa kanya
"Sorry to hear that. Pasensya na at natanong ko pa."
"Okay lang. No problem!"
"Ang mas higit na iniisip ko lang naman is yung Nanay ko. Ayaw niya kasing mawala yung kaisa-isahang pag-mamay ari namin. Which is yung bahay at lupa namin" Sabi ko pa rito.
"Yun nga lang sa ngayon kung kailan kailangang-kailangan yung Titulo ng lupa namin saka naman hindi namin makita. Ayaw kasi naming bitawan yung lupa na yon hangga't maaari. Lalo na kung may magagawa pa naman kami para hindi kami mapaalis doon" Paliwanag ko pa.
"Don't worry. Tutulungan ko kayo. Gagawin natin lahat nang pwede nating gawin para hindi kayo mapaalis doon." Aniya at ngumiti sakin.
Okay na sana na kinilig ako. Ngiti pa lang niya ang nakita ko. E kaso hinawakan niya pa yung kamay ko. Omg! Ano baaaaa! Aaaaack.
Shocks talaga! Nakakainis ka August. Bakit mo ba ako ginaganito?
"Who is she?" Natigil ako sa pag-momoment nang dumating isang babae na halatang mas bata kay August.
"What are you here?" Biglang tayo ni August at lumapit doon sa babae.
Teka! Parang familiar sakin tong batang to. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Can you just answer my question first? Before I'll answer yours?" Pag-tataray nito.
"It's none of your business!" Sabi nito sa kausap.
"Is she your girlfriend Kuya?" Para akong nanunuod dito ng Teleserye. Pahingi naman ng Pop corn.
Girlfriend? Kikiligin na ba ako uli? Like.. Ilang beses na kasi kaming napag-kakamalan na mag-jowa. Guys, pwede naman nating tototohanin yon!
Okay going back..
Ahh.. Oo. Tama! Siya yung Spoiled brat na kapatid nitong si August. Yung estudyanteng nakipag-sabunutan sa kapwa niya estudyante sa University's Cafeteria.
"Can you please answer my question?''
*sigh* "She's my client. Happy?" Ay? Sayang kala ko sasabihin niyang girlfriend niya ko. Nag-aassume pa naman ako.
Yung magpapanggap tapos mauuwi sa totohanan, tapos ikakasal. Magkakaroon ng cute little babies, Tapos happily ever after. Ganon! Tsktsk. Panget naman kabonding nito ni August.
"And you. You're familiar? Hmm.. Did we met?"
"Hmp! Nevermind." Saka ito akmang tatalikod. Pero tinawag siya nang Kuya niya.
"Rizzi!"
"What now, Kuya?" Sagot nito at nag-cross arms pa.
"Is that your way talking to a person, ha?"
"Yes. Lalo na kung hindi ako interested sa kanya." Diretsong sagot nito saka pa umirap.
"Rizzi?"
"Okay. Fine. Hi, Ate. Happy? Psh." Aniya saka ngumiti tapos nag-straight face.
"Naaalala kita." Biglang sabi ko.
"Oh, Really?" Masiglang sabi niya.
"Naaalala mo?" Tanong ko.
"What!"
"Ako. We met already sa University." Sabi ko.
"Okay? I don't care! I'm not interested." Sagot niya saka pa nag-flip ng hair.
Ang taray talaga! Bagay nga silang mag-kapatid.
"Siguro nga nalimutan mo lang. Ako yung nasa guidance off-"
"Stop!"
"Office yung nangyari-----"
"I said stop! Can you please shut your mouth up! Please, can you?" Pagpapatigil nito saakin. Ang cute ng batang to. Nakakagigil! Buti na lang kapatid ni August.
"Saka favor. Can you please stop talking too much? Are we close?" Aniya saka na tuluyang umalis.
"Hindi." Sagot ko.
"So stop being nice to me. I don't like you, Cause I freakin' hate you!" Then she walked out.
Ghaad! Ang cute niya kapag nagtataray. Pero nakakainis at the same time.
"Rizzi!" Tawag nito sa kapatid.
"Bye!" Sigaw nito at tuluy-tuloy na sa paglabas.
"Hayss. Pasaway!" Aniya saka tumingin uli sakin.
"Pasensya kana sa kapatid ko." Sabi niya na parang nahihiya pa sa nangyari.
"Okay lang. Ang saya siguro ng may ganyang kapatid no? Sakit nga lang sa ulo." Singit ko sa kanya.
"Oo. Masayang mag-karoon ng kapatid, pero kapag ganyan. Hindi ata! Dahil isa silang malaking problema para saakin." Dagdag niya sa sinabi ko.
"Pinangarap ko kayang magkaroon ng kapatid na ganon." Sabi ko saka siya tinignan.
"Yung ganon katigas ang ulo?"
"Kapatid na babae." Dugtong ko doon sa sinabi ko.
"Ahh. Okay"
"Kaso huwag na lang pala!'' Saka ako tumawa. Natawa na lang rin siya sinabi ko.
"Okay, Mabalik tayo! Nawala tuloy tayo sa discussion natin. So yon na muna siguro uli sa ngayon. Like what I've said earlier.. Bago natin mailatag sa Trial court ang usaping ito. Kailangan na muna nating makita yung mga papel na sinasabi noong mag-koconstruct ng Private project. Baka mamaya.. May nilalabag na sila. Puwede nating kasuhan yon."
"I'll give you an update kapag nailatag ko na yung mga ebidensyang mayroon kayo. Hindi nila pwedeng ipilit sainyo yung gusto nila without your consent. At karapatan niyong humindi. Lalo na kapag napatunayan pa nating may iba silang nilalabag sa ginagawa nila."
"Maraming salamat ah?" Yun na lamang ang nasabi ko at tanging lumabas sa bibig ko.
"Ok. By the way.. Ikaw uuwi ka na?" Tanong nito.
"Ahh. Oo. Kailangan ko nang Umalis dahil may trabaho pa ako sa Bar"
"Ahh. O sige! Gusto mo ihatid na kita kahit hanggang doon sa pwede mong mapag-transferan na Terminal."
"Salamat"
"Sige. Puwede ka nang bumaba. Antayin mo na lang ako sa lobby" Aniya. Saka ko sinunod yung sinabi niya.
--- --- ---
"Busy ka rin pala sa buhay no?" Bigla siyang nag-open up nang Topic. While driving.. Na siya namang kinagulat ko.
"Ahh. Oo. Estudyante s***h Waitress. Saka madalas akong kumuha ng raket. Basta legal ah?" Ngumiti siya saakin.
"Di ba? Basta legal. Ayon.. Kailangan ko kasing mag-ipon ipon para saamin mismo nang Nanay ko. Kailangan naming kumayod since, Dalawa na lang kami ni Momsie sa buhay" Kuwento ko.
"You manage your time so well. Ang galing mo doon ah? Saka Student Assistant ka rin pala sa University ninyo no?"
"Oo. Nag-apply ako bilang S.A para makatulong rin sa ilang mga academics fees sa school, since they provided allowance for those student like me. Especially graduating na ako. Marami-rami saka sunud-sunod na ang gastos namin"
"So yon.. Hayaan mo. Kapag may sapat na kaming pera. Babayaran ka namin sa serbisyong binibigay mo para sa problema naming ito." Dagdag ko pa.
"No. You don't have to worry about that! Hindi niyo kailangang isipin ang bagay na yon. Ako na ang bahala doon sa ngayon. Just focus yourself on your goal. It's okay. Hindi niyo ako kailangang bayaran sa ginagawa kong tulong sa inyo. It's fine."
Hindi ko na lang maiwasan na mapangiti sa mga naririnig ko sa kanya. He's such a blessing to us!
Malaki ang utang loob namin sayo, August. Salamat sa katulad mo.
"Dito na tayo. May terminal diyan. Sakayan na. Puwede ka nang sumakay diyan papunta sa pinapasukan mo." Aniya.
"Thank you ha?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Bumaba siya at pinag-buksan ako nito ng Pinto ng kotse niya hanggang sa makababa ako.
"Pasensya ka na, Hindi na kita mahahatid hanggang sa Bar. Kailangan ko nang umalis"
"Okay lang. Salamat ah?"
"Ingat ka, Attorney!" Paalam ko matapos niyang makabalik pasakay sa Kotse niya. Saka na ito tuluyang umalis.
Hayy.. Hingang malalim, Genesis. Everything will be okay. Okay?