Tumunog yoong Cellphone ko na nakalapag sa Lamesa. Naka-break kami ngayon sa huling klase ko para sa araw na ito. Chineck ko naman agad yung Phone ko para malaman kung sino yung nag-text saakin. "Can we talk?" Si August pala yung nag-text. "About?" Maikling reply ko roon sa text niya. Napakunot ang Noo ko sa sumunod niyang reply saakin. "Between you and Jean. Please?" "O anong meron, May problema ba doon? Nakapag-usap na tayo nang maayos tungkol diyan diba?" Reply ko. Ano naman kaya ang problema?! May hindi ba siya nabanggit o nasabi saakin? Ay, Juiceko! Ang dami kong tanong. "Asan ka?" "School." "May class ka paba?" "Wala na. Last na ito." "Anong oras labas mo?" "2:30 pm" "Okay. I'll be there in 20 minutes right after your dismissal. Just wait for me. :)" Text pa nito uli

