Naisipan ni Thalia na mag punta kami ngayon sa Bonifacio Global City sa taguig, hindi ko alam kung ano'ng gagawin doon dahil ngayon lang ako makaka-punta ro'n. “Ano ba 'yong BGC na 'yon?” tanong ni Arthur habang nag kakamot ng kilay. “Bad Girls Club ba 'yon?” kuryosong tanong niya habang nag lalakad kami papunta sa garahe. Binatukan naman siya ni Thalia. “Tanga! Bonifacio Global City 'yon!” Napangiwi naman si Arthur sa pang babatok ni Thalia sa kaniya. “Nag tatanong lang, 'di ba? Grabe ka sa 'kin, 'di mo ba ako mahal?” tanong niya habang hinihimas ang ulo niya. Nandiri naman tumingin si Thalia sa kaniya. “Yak, Arthur. Mangilabot ka nga sa pinagsasabi mo, puwede?” aniya. Napanguso na lang si Arthur habang sumasakay sa kotse. Si Thalia ang mag mamaneho ngayon, wala siyang tiwala ngayon

