Napapatulala pa rin ako habang naglalakad ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi no'ng lalaki kanina. Ano ba ang problema no'n? Ang weird niya! Pag pasok ko sa room na dapat kong pasukan ay nakita kong may guro na sa harapan at mukhang nag di-discuss na siya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya naman tumigil siya sa pagsasalita at tumingin din sa akin. Napatingin naman ang mga estudyante sa akin kaya napapikit ako ng mariin. “Good morning, miss? You're late,” nabuburdong sabi niya sa akin habang naka tingin sa kaniyang wrist watch ang professor namin sa first period. “Sorry po,” pang hihingi ko ng despensa at yumuko. Nag angat naman ako agad ng tingin sa kaniya at nakita kong tumango lang ito at nag lahad ng kamay. Kagat-labi akong pumasok sa classroom at naghanap ng ba

