Umuwi ako sa mansion na kunot-noo. Kung mahal pala siya ni Sean, bakit kailangan niya pa akong pakiusapan na lumayo? Hibang ba siya? O sobrang natakot lang sa 'kin na baka kahit wala akong gawin ay gugustuhin ako ni Sean? “Oh, ba't ganiyan mukha mo?” takang tanong ni Thalia na nasalubong ko sa hagdanan. Huminga ako ng malalim. “Paano ba naman? Pinakiusapan ba naman ako ni Catalina na lumayo-layo sa kanila at sinuhulan ako ng pera, na kesyo siya na raw ang magbabayad sa pera ni lolo.” Napahalakhak naman si Thalia. “Eh, ano'ng ginawa mo sa kaniya?” “Tinapunan ko ng tubig, tapos kinudaan ko. Sabi ba naman niya na ipakita ko sa kanila na mali ang mga bintang nilang isa akong pokpok na gold digger. F*ck! Kahit 'di ko i-prove sa kanila 'yon, hindi ako gano'n. Baka pagawan ko pa sila ng mal

