CHAPTER 1

1225 Words
"Good morning." Agad na bungad sa akin ni Johnny nang pagbuksan ko siya ng pinto. "Good morning!" Sabay yakap ko sa kanya. Di mawala wala ang ngiti ko simula nang pagising ko. "Let's go." Tumango ako. Lumabas kami ng bahay at sumakay na sa kotse niya. Lagi siyang ganito. Hatid sundo niya ako sa trabaho. Noon ayaw ko pa pero ngayon nasasanay na ako. "Someone looks happy." Napatingin ako kay Johnny. Di ko namamalayan na hanggang ngayon ay di mawala ang ngiti ko sa labi. Masyadong napakaganda ng nangyari kagabi para basta basta nalang kalimutan. "It's just a best memory." Binigyan ko siya ng nakakahulugang ngiti na pinalitan lang niya ng tawa. "I hope I'm part of that memory." Mahina akong natawa. "You tell me." Mukhang wala talaga sa amin ang may planong pag usapan ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang labi niya sa balat ko. Ang labi niyang galing sa labi ko na naglalakbay patungo sa leeg ko. Napaliyad ako nun at sa pagdilat ng aking mata ay nakita ko ang bilog na buwan. That's the best feeling. You are beautiful like a moonlight. They don't know that you are worth fighting for. I love you, bride. "We're here." "Bye, Johnny." Sabay halik ko sa pisngi niya. "Bye, Mira. I love you." "I love you too." Umalis ako sa kotse. Kumaway pa ako sa papalayong kotse niya bago pumasok sa building. Tumunog naman ang cellphone ko. From: Maam Liana Go to my office now. Hindi na ako nagreply at agad na akong pumasok sa elevator para makapunta na sa floor ni maam Liana. Nang dumating ako sa floor ay agad akong sinalubong ng mga nagtra-trabaho doon. "Thank goodness you're here!" Bungad sa akin ni maam Aqua. Secretary ni maam Liana. "Maam Liana is waiting for you and she's mad. Goodluck." I don't know if she's trying to give me a goodluck or its just a sarcasm. Pumasok na ako sa office ni maam. Nakita ko siyang nakaupo table niya at matalim ang tingin sa akin. "Bakit ngayon ka lang?" "I'm sorry, maam. Nandoon ako sa lobby nang matanggap ko ang message mo." "Then? Why are you in the lobby? You supposed to be here in just 2 minutes but you take 10 minutes. Why? Because of that man? Is that your man?" Taas kilay niyang tanong. "He's my boyfriend, maam." Magalang kong sagot. "What's his name?" "Jonathan. Jonathan Imperial." "Jonathan Imperial? the owner of Imperial University or Imperial Castle?" "Both." "Oh? Really? He's rich." Bulong niya na narinig ko naman. Umalis siya sa pagkakaupo sa lamesa at umupo na sa upuan niya. "I want you to give this papers in the big boss, then buy me some coffee with no sugar, cookies and be quick. Kapag nandito kana linisin mo ang opisina." Sabay bigay niya sa mga papeles na dapat kong ibigay sa big boss. Lumabas ako sa opisina. Ito ang trabaho ko. All around assistant. I'm not just assistant of maam Liana. I'm also assistant to ALL. "Miranda!" Tawag ng isang nagtra-trabaho. Agad akong lumapit. "Bakit?" "Buy this things. I need it. ASAP." Sabay bigay ng ng listahan. May kumuhit naman sa likuran ko. "Give this to the HR office." Sabay bigay sa akin ng isang box. "Okay." "Conteñeho, tell Rosita in the second floor that I need her here." "Di mo ba pwedeng i message?" "Kung pwede lang sana ginawa ko na, diba?" Sabay talikod niya sa akin. "Miranda! Di ba lalabas ka naman lang pakibilhan mo ako ng burger. Bali dalawa lang at dalawang soft drinks." "Coffee din, Miranda." Dagdag pa ng isa. "O-okay." "Miranda!" "B-bakit?" "Busy ka?" "Uh..." Napatingin ako sa dinadala ko at napaisip ako sa mga dadalhin ko. Well I'm busy. "Uhm-" "Great! Buy me some ice juice. I don't want the ice juice in the canteen. Gusto ko yung ice juice na mabibili sa grocery store, okay?" At umalis siya. Di na ako nagreklamo pa. Pumasok ako sa elevator at pumunta sa floor ng big boss. "Who are you? Do you have appointment?" Bungad sa akin ng sekretarya ng big boss. "N-no. I'm Miranda. I'm here to give this papers on the big boss from maam Liana." "Just leave it to me." "Okay." Binigay ko sa kanya. Pagkatapos ko dun ay agad akong pumunta sa HR office. Binigay ko ang box sa kanila. Nagtanong pa sila kung aanhin daw ang box ang sinabi ko lang ay ipinabigay sa kanila. Nagalit pa sila sa akin kasi di naman nila alam ang gagawin dun. Pumunta naman ako sa second floor para hanapin si Rosita pero absent daw. Lumabas ako sa building at humanap ng malapit na grocery store pero ang pinakamalapit lang ay dalawang kanto pang lalakbayin. Walang pagdadalawang isip kong nilakad ang dalawang kanto at bumili ng dapat na bilhin. Nabili ko na lahat at nahihirapan akong dalhin lahat. Nang narating ko ang floor ay iba naman ang inaasahan ko. "Miranda, give this papers to maam Liana." "Miranda, please tell Stefan that I need his staplers." "Miranda, ba't ang tagal mo?! What did I tell you?! I need the things ASAP!" Marahas niyang kinuha sa akin ang mga gamit kaya naitapon ko tuloy ang kape ni maam Liana. "Stupid." Bulong ng iba. Lilinisin ko na sana pero may kumakausap pa sa akin. "Miranda, ba't di mo sinabi na box lang ang naibigay ko?! Dapat may laman yun, eh! Ba't di mo sinabi na wala palang laman?!" "Sorry. I didn't know." "Miranda, nasaan ng burger ko at soft drinks?" "Here." Sabay abot ko. "Ba't ang tagal mo? Nagugutom na kaya kami." "Nasaan na ang ice juice ko?" "Ang kape?" "Miranda! Nasaan na si Rosita?!" "Absent daw siya." "Ano?! Ba't di mo sinabi agad?! Alam mo bang hinihintay ko siya. Eh wala naman pala?!" "Conteñeho!!" Umalingaw ngaw ang boses ni maam Liana. Agad nagtama ang mata namin. Galit siya. "Nasaan na ang pinag uutos ko sayo?! Ba't ang tagal tagal?! Inutusan pa kitang maglinis ng opisina di mo pala gagawin!" "Gagawin ko na, maam. Sorry." "You better be. Nasaan na ang coffee at cookies ko?" "Wala na pong cookies, maam at ang coffee natapon po, maam." "Bakit?! Ang tanga tanga mo naman! My god!" "Sorry-" "Oh just shut up!" At nagwalk out si maam. This is my job here. I'm qualified to be a boss but my family's background ruined it. Kaya I'm here. "You okay?" Nanlaki ang mata ko sa pamilyar na boses na narinig ko. "Johnny! What are you doing here?" Napatingin ako sa paligid at nakatingin na sila sa akin. Puno ng panghuhusga ang mata nila. "You okay?" Sabay hawak niya sa mukha ko. "You looked pale." "I'm fine." "Are you tired?" Yes. "No. Sanay na naman ako." Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. What is he doing here anyway? "Ba't ka nandito? Wala ka bang trabaho?" Umiling siya at nagtiim bagang. Galit siya. Kanino sa akin? "Galit ka. Why?" Tumingin siya sa paligid. "Mag-resign kana kasi ikakasal kana din naman sa akin kaya..." "Kaylangan ko ng trabaho para may ipagmalaki naman ako sa mga magulang mo." Dumilim naman ang mukha niya. "Marry me tomorrow ang you'll never regret it." Utos niya. Nalito naman ako sa sinabi niya. Pagpapakasal na naman? Akala ko ba iniiwasan namin pag usapan yun? "Lets talk another time, Johnny. May gagawin pa ako eh." Bumuntong hininga siya. "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD