Mira's POV Hinawakan ko ang tiyan ko habang pinagmamasdan ang isang rosas na gawa sa yelo. Ayon kay Jake buhay ito, namamatay, namumulaklak at minsan nalalanta. Gawa daw ito ni Mica para sa nanay niya. He's really sweet. Nandito ako sa hardin kung saan nag usap si Kael at Kylie kanina. Pagkatapos kung mag almusal kanina ay dito agad ako dumiretso. Hindi ko pa nalilibot ang palasyo ngunit sabi ni Jake ang hardin daw ang pinakamagandang lugar sa palasyo at sumasang ayon ako sa kanya. Iba iba ang bulaklak rito at sa sentro ng hardin ay makikita mo ang yelong rosas. Parang hinahatak ako na kujin ang isang rosas pero pinigilan ko ang sarili ko baka magalit si Mica. Knowing him... He only wants his mother. "You can pick one." Napatingin ako sa likuran at nakita ko doon si Kael. He smiled a

