POV: Bernard Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi sa kanya ni Monte habang kumakain sila. "Kaya ikaw, tigilan mo na si Marie" sabi ni Monica "baka nga mamaya mainis yun sayo mag asawa ng wala sa oras." "Galit na galit na galit daw siya sayo pare" sabi naman ni Monte "matuto ka daw umapak sa lupa." "Ganon ba kasama ang nagawa ko?" malungkot niyang tanong. "Malamang. Nawalan ng anak yung tao eh." sagot ni Monica. "pero si Ellie naman ang nagtulak sa kanya." sagot niya. "Wag ka ng maghugas ng kamay dyan at pati ako naiinis na rin sayo" sabi ni Monica "kung ako nga yun ipinakuling na lang kita talaga." "Paano ko kaya siya mapapaamo?" "Pabayaan mo muna kasi. Alam mong galit sayo nangungulit ka" wika ni Monte. "May isa pa siyang sinabi." "Ano yun?" "Kargada lang daw ang malaki sayo per

