POV: Bernard Nag aalala siya kay Marie. Dapat sumasagot man lang ito kahit madaling araw na. Tapos ngayon, kahit reply, wala.. Masama pa naman ang boses ng babae kanina, kaya naghinala siyang may sakit ito. Pagkagaling niya sa hospital kung saan dinala si Ericka, dumiretso na siya sa bahay na tinutuluyan nito. Kilala na siya ng guard, saka malapit sa main gate ang bahay na yun. Patay ang mga ilaw. Sinubukan niyang ailipin at mag doorbell oero wala pa ring taong bumababa. Marahil tulog na siya. Hihintayin ko na lang siyang magising. Napatingin siya sa kubo sa gilid ng bahay. Dito siya magpapalipas ng umaga para makaidlip na rin. Alam niyang maaga ang body clock ni Marie. May pinto naman ang kubo. Sanay siya dito dahil iniimbita sila ni Ericka kapag nagbibirthday ito. Maayos naman di

