POV: Bernard "Saan tayo pupunta?" tanong ni Ellie sa kanya habang nakaupo ito sa katapat niyang upuan. Nagkakape sila sa opisina. "Inaaya ako nung kaibigan ko, may bar daw silang bubuksan" sagot niya. "Anong bar? as in bar? or gay bar?" nakakunot ang noo ng babae. "Gay comedy bar daw yun. As in ang mga performer ay gay. Alam mo naman, sakin nakuha ng mga tela yun na gagamitin para sa drag show." tinitingnan niya ang ilang papeles. "sasama ka ba?" "Of course... not! alam mo namang allergic ako sa mga gay.." parang diring diri ito. "Oh my God. Six na pala.. Magtatampo na naman sa akin yun pag nalate ako." nagmamadali niyang inayos ang gamit. Nagulat na lang sila ng makita si Marie sa labas. Ang payat nito na akala mo ay nagugutom. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Mahal, mag u

