POV: Bernard Dumating ang tatay ng nakasuntukan niya. Kilala niya ito. Malamang mamukhaan din siya ng matanda. "Bernard?" paninigurado nito. "Yeah, it's me" sagot niya dito "kumusta na kayo Mr. Salcedo?" "Naku napakapormal mo naman hijo, Tito Nick na lang. Ano bang nangyari dito?" "Tito, nakita ko itong anak nyo na may inilagay sa inumin nito," hinila niya si Marie at hinawakan niya ang kamay. "Totoo ba Yulo?" tanong ni Mr. Salcedo. "Daddy, magpapari ako, alam nyo yan. Hindi ko magagawa yan." tanggi nito. "Bakit tinanong mo kanina si Marie kung gusto nya magjoin sa fun mo?" tanong ni Cheche. "Akala ko tol hindi ka na magpapari?" tanong ni James. "Para makasiguro kayo, tingnan nyo ang bulsa ng dalawang yan." sabi niya. Kinapkapan ni Mr. Salcedo ang anak. Nakita ang pakete. "Loko

