'Anong nangyayari sa bahay?' May mga nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay nila. Walang tao sa loob, pero maingay. Tinungo niya ang likod ng bahay, ang mama at mga amiga niya. Nagsuzumba? "Hi anak" bati ng kanyang ina pero sumasayaw pa rin. "Ma!!! ma!!!" halos hindi siya marinig nito sa sobrang lakas ng tugtog. May zumba instructor pa. "Bakit?" tanong nitong hindi siya pinapansin. "Can we talk?" tanong niya. "Break muna tayo mga madam. Baka pagod na kayo" sa wakas ay nakaramdam ang instructor sa presensiya niya. "Ma.." nilapitan niya ang ina na nagpupunas ng towel "anong meron?" "Nag eexercise kami" sagot nito saka uminom ng tubig. "Nakita ko nga, pero kailan ka pa natutong mag exercise?" "Anak, naiinip kasi ako, kesa bumalik ako sa America, inaya ko na lang ang mga amiga kong

